^

PSN Opinyon

Ratratan sa Valenzuela

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MASAMA ang pasok ng taon kay dating Valenzuela City Mayor Bobbit Carlos dahil  may kaso siyang administratibo at kriminal  porke  may anomalous daw ang pag-buy ng mga kagamitan pang-imprastraktura na project ng siyudad.

Ang reklamo ay batay sa inihain ng isang agent ng lupa na kanilang binili at may personal na kaalaman sa nangyaring negosasyon. Naku ha?

Last January 12, 2004, noong Enero 12, 2004, naka-buy ang City of Valenzuela ng 11,891,000-metro kuwadradong lupa sa halagang P177,365,000.

Batay sa Resolution No 271 Series 2003, pinagkalooban ng Sangguniang Panglungsod si Carlos ng kapangyarihang makapangutang ng P320,000,000 sa Philippine National Bank at limitadong karapatang bumili ng mga lupa para gamitin sa mga proyektong pang-imprastruktura ng Valenzuela.

Sa transaksyon ng hinete este mali ahente pala kay Carlos, ang inisyal na presyo ng lupang kanyang ibinebenta ay P10,000 kada metro kuwadrado.

Nagulat na lamang siya nang isantabi siya nina Carlos, asawa nitong si dating city administrator Carmen Lozada, at pinsan na si Konsehal Edilberto Lozada, at direktang nakipagtransaksyon sa mga may-ari na sina Manuel at Amelita Co.

Sabi nga, double crossing. He-he-he!

Sa unang price na P10,000 bawat metro kuwadrado ay tumaas sa P15,000 bawat metro kuwadrado ang bentahan ng lupa.

Ika nga, overpricing.

Ang nasabing lupa ay nabili lamang sa halagang P60,000 dalawang taon pa lamang ang nakalilipas.

Lumabas din sa imbestigasyon na ang tunay na halaga ng lupa yon sa zonal value na iniatas ng Bureau of Internal Revenue ay P23, 782,000.

Sinabi ng tsutsu este ahente pala na tumataginting na P152, 204,800 ang nakurakot daw ni  Carlos sa kaban ng bayan.

"Mukhang may angulong pulitika ang bentahan?" anang kuwagong urot.

"Bakit ngayon mag-e-election saka bumakbak ang ahente ng lupa," sabi ng kuwagong maninipsip ng tahong.

"Bahala ang Ombudsman sa kuwentong ito kung papakinggan nila ang reklamo," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Sino sa palagay ninyo ang malakas sa Velenzuela ngayon?"

"Mukhang si Sherwin pa rin."

"Yan kamote tama ka!"

AMELITA CO

BOBBIT CARLOS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CARMEN LOZADA

CITY OF VALENZUELA

KONSEHAL EDILBERTO LOZADA

LAST JANUARY

LUPA

MUKHANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with