^

PSN Opinyon

Tulungan mga pobreng alindahaw sa Navotas

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
DAPAT busisiin ng kinauukulan sa Navotas ang iniiyak ng mga ma-e-erap dahil inirereklamo nila ang mataas daw na singil sa kani-lang electricity matapos magkaroon ng multi-metering project todits.

Nakausap ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ilan sa mga ma-e-erap sa isang place sa Navotas dahil nanggagalaiti sila sa mad sa nangyaring pagbulusok pataas ng kanilang power rates.

Sabi nga, sky rocketing. He-he-he !

Sana Navotas Mayor Toby Tiangco, pakiburiki o pakipaliwanag ang daing ng mga constituents mong ma-e-erap sa iyong place para maintindihan nila ang nangyaring pagtaas sa kanilang bayarin.

Sige ikaw din baka ibang Mayor ang kanilang isulat sa May 14? Ika nga, si Rep. Ricky Sandoval, ang pulso ng masa!

Maglalaban kasi sa pagka-Mayor sina Sandoval at Tiangco sa darating na eleksyon. Kung sinuman ang mananalo sa kanila mga botante lang ang nakaaalam. Sabi nga matira ang may pitsa este mali matibay pala.

Inaangal kasi ng ilang residente sa Navotas dahil patuloy na pagtaas ng binabayaran nilang electric bills dahil sa multi-metering system project sa mga ma-e-erap. Sabi nga, kawawa naman.

Doble raw ang naging singil sa madlang people todits mula nang magkaroon ng multi-metering system sa kanilang place.

Itinaas kasi ng Meralco ang kanilang mga metro sa poste to avoid daw ang toppings este mali tapping pala. Marami raw kasing nagtatap sa mga metro ng kuryente ng Meralco kaya naman pumuputok ang ilang transformer todits kaya to avoid itaas ang metro sa mga poste.

"Ano kaya ang maitutulong sa madlang people na nagrereklamo sa taas ng singil sa kanila?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

"Itama ang dapat itama," sagot ng kuwagong maninipsip ng tahong.

"Kung mali ang ginagawa ng mga me-e-erap dahil kagulang-gulang sila dapat putulin kung sila naman ang agrabyado sa laban dapat tulungan ni Rep. Ricky Sandoval," sabi ng ku wagong SPO-10 sa Crame.

"Paano ngayon?"

"Kamote, maghintay ka!"

vuukle comment

ANO

CRAME

IKA

MERALCO

NAVOTAS

RICKY SANDOVAL

SABI

SANA NAVOTAS MAYOR TOBY TIANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with