^

PSN Opinyon

The crying PASSCOR

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
21st Birthday ng Ang Pilipino Star Ngayon kaya happy ang mga employees biruin mo umabot kami ng ganitong katagal sa PSN.

Walang ginawa si Miguel Go. Belmonte, kundi sermunan kami sa increase na ibinibigay nito sa lahat.

Gusto kasi ni MGB na gawin 19th month ang bonus namin pero mukhang nakakahiya sa kanya dahil 18th month na kami ngayon.

Basta nagpapasalamat ang lahat ng employees ng PSN sa Belmonte family sa walang katapusan pagbigay ng suporta.

Mga bossing MABUHAY KAYO!

Ang isyu up to now March 17, 2007, alaws pa palang Christmas bonus at back pay salaries ang mga PASSCOR sa NAIA kaya naman crying in the rain sila ng makipagpulong sa mga kuwago ng ORA MISMO, last week.

Ang PASSCOR, ang isa sa mga security agencies na nakatalaga sa NAIA para magbigay seguridad sa paliparan at pasahero todits.

Sabi nga, man to man guarding!

Minimum ang sahod nila kaya malaking bagay para sa mga ito ang matikman ang minimithing Christmas bonus at back pay salary increase mula sa kanilang ahensiya. Ika nga, kaunting pitsa hindi pa maibigay!

Calling MIAA bossing Alfonso G. Cusi, Your Honor!

Saksakan ng mahal ang halaga ng food sa NAIA kaya ang mga minimum salary employees todits ay nagbabaon ng makakain siempre with matching water on the side.

Hindi lang isa, dalawa, tatlo, apat, lima kundi lahat ng PASSCOR sa NAIA mapa-babae o lalaki, matanda o bata nag-iiyakan dahil sa pitsa na kanilang inaasam.

Million of pesos ang pinag-uusapan natin pitsa para ibigay ng management sa PASSCOR security guards.

Nakausap ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Col. Sluggo Mena, ang bossing ng PASSCOR, last week regarding sa problema ng kanyang mga alipores kasi nga hindi biro ang nangyayari sa mga ito.

Sagot ni Sluggo, sa mga kuwago ng ORA MISMO, malamang makuha na nila ang kanilang pitsa sa end of March or first week of April.

Nagkaroon kasi ng internal problem ang MIAA at PASSCOR management kaya nagkaroon ng delay.

Sabi nga, ma-e-e-rap ang naapektuhan.

Very mad ang lahat ng PASSCOR security guards dahil sa nangyaring delay kaya naman nag-iiyak blues sila dahil gusto nilang makaabot sa malakanin este mali Malacañang pala ang mabigat na problemang kanilang nararanasan sa kuko ng mga ganid este lawin pala. Hehehe!

"Baka mapako ang pangako ni Sluggo sa hinihingan ng kanyang mga katoto sa PASSCOR?" tanong ng kuwagong walang makain.

"Puedeng hindi pero puede ring totoo" sagot ng kuwagong nagpapautang ng 5-6.

"Working hard ba naman ang PASSCOR security guards sa NAIA?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Hindi biro ang trabaho nila sa airport" sagot ng kuwagong usurero.

"Ano kamote sa palagay mo to give or not to give"

" hindi ako mapalagay"

Abangan!

ALFONSO G

ANG PILIPINO STAR NGAYON

BELMONTE

MIGUEL GO

PASSCOR

SABI

SLUGGO

SLUGGO MENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with