Kumakandidato para malusutan ang mga kaso
March 3, 2007 | 12:00am
Hindi maganda itong nasagap ko na kaya pala maraming kumakandidato sa pagka-congressman at iba pang elective position ay upang malusutan o maiwasan ang mga ikinakaso sa kanila kapag nanalo.
Gustong palabasin ng mga taong ito na ang Kongreso ay bahay-ampunan ng mga nagkakasala sa ba- tas o kaya, akala nila ay masyadong makapangyarihan ang maging congressman kaya ang kaso nila ay mababalewala na lang.
At palagay ko isa rito si dating Agricul-ture Usec. Jocjoc Bolante. Nagpaplano kasing kumandidato sa pagka-congressman si Bolante sa Western Visayas. Si Bolante ay inakusahang mastermind daw ng fertilizer scam ay kasalukuyang nakakulong sa US.
Isa pa ring balak tumakbo sa pagka-congressman ay ang kareretire lamang sa AFP na si Maj. Gen. Jovito Palparan na pinararatangang may kinalaman sa mga political killings. Sabi ni Palparan nais ni-yang maging congressman upang magka-roon siya ng power, authority at resources nang sa ganoon ay maipangtanggol ang kanyang sarili at mga supporters.
Nariyan din si Sr. Grade Lt. Sonny Trillanes na kumakandi- dato ngayon sa pagka-senador sa ilalim ng oposisyon. Si Trillanes ay sinampahan ng rebelyon nang pamunuan ang Oakwood mutiny. Kasalukuyang nakakulong si Trilla- nes at doon siya nanga- ngampanya.
Maging si dating Comelec Commissioner Virgilio "Garci" Garcillano ay tatakbong congressman. Si Garcillano ang hinihinalang kausap sa cell phone ni Mrs. Arroyo makaraan ang 2004 elections.
Si dating Manila Rep. Mark Jimenez ay patuloy pa ring pinararatangan ng kung anu-anong kaso kaya nais niyang makaba- lik na naman sa poder ng kapangyarihan. Nasisiguro kong marami ang kumakandidato dahil sa pansariling interes lamang. Sabi nga nila, mahirap daw banggain ang isang congressman o senator!
Sabi ko naman: Sabihin mo ‘yan sa lelong mong panot!!!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended