^

PSN Opinyon

Si Rep. Baby Asistio

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
PUMASYAL ang mga kuwago ng ORA MISMO sa Meisic Mall sa Reina Regente corner Felipe II St., C.M. Recto, Manila at nakita ng mga ito ang isang relaxed at cool shopping atmosphere todits.

Kung gusto mong ma-feel, umiwas sa tensyon at dusa ng pakikipagsiksikan sa pamimili. Yet at the same time, gusto mong mapanatiling pasok sa budget ang presyo ng trip mong mga items. Bumisita ka sa Meisic Mall!

Sabi nga, name it Meisic have it — mula sa mga damit, sapatos, bags, school & office supplies, home decors, toys, gift items, housewares, hardware tools, accessories hanggang sa mga religious & novelty items at electronic supplies and gadgets katulad ng surveillance cam na in na in sa mga customer service-oriented businesses ngayon.

Sasalubungin ng Meisic Mall ang Chinese New Year with a big bang sa pamamagitan ng isang back-to-back entertainment and Grand Raffle Draw ngayong Pebrero 18 sa mismong 3rd floor o food court nito at 12:00 PM. At stake ang P100,000 cash para sa magiging grand winner ng Pamaskong Handog ng Meisic Mall kung saan mapapanalunan din ang dalawang 21’’ color TV, limang DVD players at 50 consolation prizes. Itatampok naman sa palabas ang Centermates, Center for Pop Talents at iba pang sorpresang guests sa pangunguna ng youngstar na si Sandara Park.

Oh mga kamote, punta na kayo!

Ang isyu, tiyak problemang malaki ang nangyari kay Piting Asistio, anak ni Baby nang sumabit ang kanyang grupo sa sinasabing attempted kidnapping sa Angeles City.

Patakbo pa naman si Baby sa Caloocan City para labanan si incumbent Mayor Recom Echiverri. Kapag nagkataon, malamang bawas puntos ito kay Baby. Hay naku, buhay pulitika!

Ano kaya ang pumasok sa utak ni Piting at gusto nilang dukutin ang kanilang dating kaibigan sa Angeles? Lango kaya sila?

Sana aksyunana sa lalong madaling panahon ng katulisan, este mali, kapulisan pala sa Angeles ang kaso ni Piting.

"May tulog ba si Baby kay recom sa Caloocan?" tanong ng kuwagong urot.

"Sa palagay ko," sagot ng kuwagong Kotong cop.

"Ang botante sa Caloocan ang puwedeng humusga ng itinatanong mo kamote," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Ganoon?"

"Pustahan tayo, si Baby o si Recom?"

"Sige kay Recom kami, kamote."

ANGELES CITY

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CHINESE NEW YEAR

MAYOR RECOM ECHIVERRI

MEISIC MALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with