^

PSN Opinyon

HK$5,000 penalty sa bomb joker!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAGASGAS ang bulsa ni Joselito Daza y Mabato nang pagbayarin ng Hong Kong police sa ginawa niyang bomb joke habang nasa loob ng Cebu Pacific Airlines sa Hong Kong International Airport.

Hindi akalain ni Daza na tutuluyan siya ng Hong Kong police sa ginawa niyang biro kay David Dysuangco, flight attendant na may bomba ang kanyang handcarried baggage.

Pauwi sina Daza at pinsan na si Sarah Jane Daza sa Manila last January 10 ng morning from Hong Kong. Mabigat ang handcarried baggage ni Daza kaya tinulungan siya ni David para ilagay ito sa overhead luggage compartment ng eroplano.

Sabi ni David kay Daza ang bigat naman ng bagahe mo ano ba ang laman niyan?

Sinagot ni Daza, na may bomba iyan.

Naku ha, patay kang bata ka!

Natawa lamang si David kay Daza. Ang hindi alam ni Daza ay nagsumbong si David sa station manager kaya naman animo’y kidlat na pumasok sa eroplano ang Hong Kong police at pinababa silang magpinsan. Sabi nga, kalkal dito, kalkal doon ang ginawa sa kanilang mga baggages.

To make sure na alaws bombang naka-hide sa kanyang luggage.

Si Sarah ay pinayagang makasakay sa eroplano pabalik ng Manila after makiusap si Daza na alaws alam ang kanyang sampit sa bomb joke na ginawa niya.

Buti na lamang at may auntie si Daza sa Hong Kong kaya ito na lamang ang nag-abono sa penalty.

‘‘Bawal talaga ang mag-joke, joke sa airport lalo’t tungkol sa pampasabog ang gagawin mong biro,’’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Hightened security ang buong airport sa mga terrorist matindi ang kampanya nila regarding dito kaya naman allergic sila pag nakarinig ng may pampasabog kang dala,’’ anang kuwagong Kotong cop.

‘‘Mas mabigat ang penalty sa NAIA dahil six month kang ikukulong todits.’’

‘‘Ano ngayon kamote magbibiro ka pa?’’

‘‘Naku ha dehins na alaws akong pitsa.’’

CEBU PACIFIC AIRLINES

DAVID DYSUANGCO

DAZA

HONG KONG

HONG KONG INTERNATIONAL AIRPORT

JOSELITO DAZA

NAKU

SABI

SARAH JANE DAZA

SI SARAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with