^

PSN Opinyon

Tumor sa utak

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ANG tumor sa utak ay ang pagtubo ng abnormal cells sa bahaging ito (utak) at maaaring maging malignant o hindi malignant. Maaaring makamatay ang pagkakaroon ng tumor sa utak. Dahil sa lokasyon nito, ang non-malignant brain tumor ay maaaring magdulot ng mga napakalubhang sintomas. Ang sintomas ng may brain tumor ay pabagu-bago depende kung nasaang location ito sa bahagi ng utak at unti-unti nararamdaman sa simula.

Ang mga sintomas ng may brain tumor ay pananakit ng ulo, pagsusuka, pagkaalibadbad, pagkahilo, panlalabo ng paningin at panghihina na ang apektado ay ang isang bahagi ng katawan. Sometimes, a tumor in a particular site may cause a more definite set of symtoms, leading to its presence being suspected. Ang brain tumor ay maaaring secondary growth dahil sa malignancy na nasa ibang bahagi ng katawan o maaaring maging primary growth. Maaaring ito ay resulta ng tuberculosis, o syphilis at kung hindi pa nati-treat ang mga ito ay nararapat na gamutin.

Ang pag-iingat o pag-iwas sa maaaring maging dahilan ng tumor sa utak ay maraming beses ko nang ipinaalala. Muli kong ipinaaalala na umiwas sa paninigarilyo.

Maraming paraan para maalis ang brain tumor pero depende ito sa nature at site ng tumor. Maaaring idaan sa operasyon, radiation theraphy, chemotherapy, at ang paggamit ng radio isotopes. Ang patuloy na pag-unlad ng medisina ay nakapagbibigay ng pag-asa sa mga brain tumor sapagkat ang pamamaraan ng pag-treat dito ay malaki na ang possible.

BRAIN

DAHIL

MAAARING

MARAMING

MULI

PAG

TUMOR

UTAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with