Pasko 2006
December 24, 2006 | 12:00am
Pasko na, Pasko na tayo ay magsaya
Sumilang si Jesus ang Dakilang Ama;
Tayo ay magbihis tayo ay magsimba
Pagkat tumpak lamang na sambahin Siya!
Si Jesus ay Diyos at hari ng lahat
Sa isang sabsaban Siyay inianak;
Sa isang palasyoy doon Siya dapat
Ngunit minabuting isilang na hamak!
Ipinakita Nya ay isang ehemplo
Na dapat tularan ng lahat ng tao;
Kahit ka na hari o mayamang tao
Ang magpakababa dapat na gawin mo!
Sa Kanyang pagsilang tayo ay natubos
Sa maramng salang sa atiy gumapos;
May dakilang misyon Panginoong Diyos
Na walang kapantay sa buong sinukob!
Sino kayang tao ang makagagawa
Na ang kamatayay hinarap na kusa
Upang tayong lahat matubos sa sala?
Siyat tanging Siya at wala nang iba!
Anong kamatayan ang Kanyang hinarap?
Abay kamatayan walang kasing-hirap;
Mga paat kamay sa pakoy binutas
Pagkat nakadipa sa krus na mabigat!
Nang Siyay mamatay saan inilibing?
Sa loob ng kweba na napakadilim;
Itoy patotoong Siya ay Tao ring
Kung kaya namatay - tayo ay buhayin!
Kung kaya ang Pasko ay dakilang araw
Na marapat lamang nating ipagdiwang;
Pagkat araw itong tanging kaarawan
Ng Hari at Diyos ng sangkalupaan!
Kung wala ang Paskoy paano na tayo?
Tayong nakalublob sa hirap at tukso?
Sino ang sa atiy magsasakripisyo
Upang tayong lahat mabuhay sa mundo?
Sumilang si Jesus ang Dakilang Ama;
Tayo ay magbihis tayo ay magsimba
Pagkat tumpak lamang na sambahin Siya!
Si Jesus ay Diyos at hari ng lahat
Sa isang sabsaban Siyay inianak;
Sa isang palasyoy doon Siya dapat
Ngunit minabuting isilang na hamak!
Ipinakita Nya ay isang ehemplo
Na dapat tularan ng lahat ng tao;
Kahit ka na hari o mayamang tao
Ang magpakababa dapat na gawin mo!
Sa Kanyang pagsilang tayo ay natubos
Sa maramng salang sa atiy gumapos;
May dakilang misyon Panginoong Diyos
Na walang kapantay sa buong sinukob!
Sino kayang tao ang makagagawa
Na ang kamatayay hinarap na kusa
Upang tayong lahat matubos sa sala?
Siyat tanging Siya at wala nang iba!
Anong kamatayan ang Kanyang hinarap?
Abay kamatayan walang kasing-hirap;
Mga paat kamay sa pakoy binutas
Pagkat nakadipa sa krus na mabigat!
Nang Siyay mamatay saan inilibing?
Sa loob ng kweba na napakadilim;
Itoy patotoong Siya ay Tao ring
Kung kaya namatay - tayo ay buhayin!
Kung kaya ang Pasko ay dakilang araw
Na marapat lamang nating ipagdiwang;
Pagkat araw itong tanging kaarawan
Ng Hari at Diyos ng sangkalupaan!
Kung wala ang Paskoy paano na tayo?
Tayong nakalublob sa hirap at tukso?
Sino ang sa atiy magsasakripisyo
Upang tayong lahat mabuhay sa mundo?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended