^

PSN Opinyon

Nadismis na empleyado dahil sa hinanakit ng employer

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
NA-EMPLEYO si Carmen noong 1983 sa IPI, isang pharmaceutical company bilang medical director sa Research and Development department nito. Kasabay nito ang paglunsad ng gobyerno ng herbal medicine kung saan nakipagsapalaran din ang IPI. Ayon sa kontrata, isang taon lamang ang empleyo ni Carmen sa IPI subalit maari itong masundan kung sasang-ayon ang mga partido 30 araw bago magtapos ang nasabing kontrata. Pinahintulutan din si Carmen sa kanyang pagtuturo bilang full-time faculty member sa Medical College.

Nang magtapos ang kontrata ni Carmen noong 1984, nanatili ito sa IPI nang walang kasulatan at nagpatuloy bilang medical director at nabigyan pa nang maraming gawain kaugnay sa negosyo ng IPI. Ginarantiya rin ang kanyang security of tenure ng kanilang presidente at general manager sa kabila ng alok ng Medical College na gagawin siyang chairperson ng pharmacology department. Subalit makalipas ang dalawang taon, naghihinakit sa kanya ang mga namamahala ng IPI dahil pumanig siya sa mga empleyadong may mababang suweldo sa reklamo ng mga ito sa hindi pantay na paglapat ng interes ng pautang mula sa Savings and Loan Association. Ikinagalit din ng IPI ang partisipasyon ni Carmen sa kahilingang ilantad ng IPI ang talaang pinansyal ng asosasyon. Dahil dito, si Carmen ay ipinahiya sa harap ng mga manggagawa at pinalitan sa kanyang posisyon at pagkalipas ng dalawang araw ay tinanggal na sa serbisyo.

Naghain si Carmen ng reklamong illegal dismissal kasama ang reinstatement with full back wages and moral damages. Itinanggi ito ng IPI. Iginiit nilang si Carmen ay isang project employee kaugnay sa paglulunsad ng herbal medicine. At dahil hindi nasulat ang dalawang taong serbisyo ni Carmen matapos ang orihinal na kontrata, ang mga kondisyon sa orihinal na kontrata ay susundin o kaya ay magpapatuloy lamang ang serbisyo ni Carmen hanggang magdesisyon ang kompanya ayon sa kalalabasan ng proyekto. Hindi ito tinanggap ng NLRC bagkus ay itinuring nito si Carmen na isang regular na empleyado dahil lampas sa isang taon ang naging serbisyo nito kahit na walang naging kasulatan. Kailangan din daw irespeto ng IPI ang security of tenure ni Carmen. Kinuwestyun ito ng IPI at iginiit na si Carmen ay naging regular na empleyado, bilang managerial employee, maaari pa rin itong tang-galin sa serbisyo sa dahilang loss of confidence. Tama ba ang IPI?

MALI.
Ang isang managerial employee tulad ni Carmen ay may security of tenure at matatanggal lamang kapag napatunayan sa tamang proseso. Ang loss of confidence ay isang balidong dahilan upang matanggal ang isang managerial employee subalit ang employer ang may tungkuling magpatunay na nawala na ang tiwala nito sa isang empleyado. At dahil hindi ito napatunayan ng IPI hindi naging sapat ang alegasyon lamang nito, iginawad kay Carmen ang kanyang backwages, damages at attorney’s fees (International Pharmaceuticals, Inc. vs. NLRC287 SCRA 213).

AYON

CARMEN

DAHIL

GINARANTIYA

INTERNATIONAL PHARMACEUTICALS

IPI

ISANG

MEDICAL COLLEGE

RESEARCH AND DEVELOPMENT

SAVINGS AND LOAN ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with