Ginagawang comedian ni SPO3 Sacueza sina Atienza, Abarsoza at De Jesus
December 1, 2006 | 12:00am
HABANG patuloy na nag-ooperate itong bookies ng karera ni SPO3 Bartolome Tom Sacueza, ang napapahiya ay si Sr. Supt. Danilo Abarzosa, ang OIC ng Manila Police District (MPD). Ayon sa mga kausap ko sa MPD, lumalabas na walang isang salita si Abarzosa kung ang bookies ni Sacueza ang gagawing basehan. Nangako kasi si Abarzosa na ipasasara niya ang pasugalan sa Maynila noong i-assume niya ang MPD post noong Agosto subalit pagdating kay Sacueza, eh sumemplang siya. Dahil kaya sa lingguhang intelihensiya? Kaya kayang sagutin ng kaibigan kong si Sr. Insp. Rene de Jesus, ng detective beat patrol ng MPD ang katanungang yan? Hanggang sa ngayon kasi, hindi pa nasalakay ng MPD ang bahay ni Sacueza sa 2791 E. Interior Beata St., sa Pandacan na palatandaan na may maganda talaga siyang relasyon kina Abarzosa at De Jesus, di ba mga suki? Kung bakit kasi, masipag manghuli ng pasugalan sa Tondo si De Jesus pero pagdating kay Sacueza, inutil siya. Kaya sa ngayon, kumukupas na ang ningning ni Abarzosa kay Mayor Lito Atienza dahil panay bola-bola kamatis lang siya, he-he-he! Lumabas din ang tunay na kulay.
Ayon sa kausap ko sa MPD, nagsara ang mga delanterang puwesto ni Sacueza bunga sa walang humpay na pagbubulgar ko ng mga butas niya ng bookies ng karera. At kung may umaabot sa 300 ang butas ni Sacueza matapos angkinin niya ang iniwang puwesto ni Apeng Sy, sa ngayon eh mga 200 na lang ang natira. At para hindi ko maabot ang operation niya, nagbago rin ng pamamaraan si Sacueza pagdating sa ingreso ng kubransa. Sa ngayon iniikutan na lang ng naka-motor na courier ang kubransa sa mga bahay ng kabo para hindi mahalata. Kahit anong simple pa ni Sacueza, ang operation naman niya ay naiparating sa aking kaalaman ng taga-MPD. Kaya nagpaikot na ako ng mga espiya mga suki para lalong ibulgar pa ang operation ni Sacueza na ginagawang comedian sina Atienza, Abarzosa at De Jesus.
Kung panay laway lang itong pagsisigaw ni Abarzosa na ipasara niya ang pasugalan sa Maynila, eh lalo na sa ngayon na nag-umpisa na ang jueteng ni Tony Santos, di ba Mayor Atienza Sir? Sa kahabaan kasi ng riles sa Sampaloc may nangongolekta na ng taya sa jueteng at itong si Tony Santos ng Marikina ang itinuturong bangka. Kung sabagay, kahit saan sulok na ng Metro Manila bukas ang jueteng kayat hindi lang dapat si Abarzosa ang tawagan ko ng pansin kundi maging itong si NCRPO chief Dir. Reynaldo Varilla. Bakit tahimik sa ngayon ang tatlong Doberman ni Varilla na sina Arnold Sandoval, Noel de Castro at alyas Pancho? Parang nabusog na ang mga Doberman ni Varilla ng handler nila na si Supt. Roberto Bob Villanueva. Kung sabagay, ang balita sa MPD, direkta kay Varilla ang intelihensiya sa jueteng. Totoo ba yan, Gen. Varilla Sir? Kung direkta kay Varilla ang jueteng, bakit hindi kumikilos itong sina Sandoval, de Castro at Pancho laban kay Sacueza. Dahil kaya sa kabaro nila ito o abala sila sa pagbigay ng protection kay Lito de Guzman, na karibal ni Sacueza sa bookies sa Sampaloc? Na raid ng NBI itong si De Guzman noon, bakit nag-ooperate pa siya? Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am