Maligayang Pasko, BAhaYAN!
November 29, 2006 | 12:00am
SA "spare tire" inihambing ang puwesto ng Vice Pre- sident ng Pilipinas. Kung sa USA ang Vice President ang automatic na mamumuno sa Senado (pareho ng ating mga munisipiyo kung saan ang vice mayor ang namumuno sa sanggunian), sa Pilipinas walang opisyal na posisyon ang "VICE". Nag-aantay lang, ika nga, na mamatay si No. 1. Mapalad kung bigyan ng puwesto sa Gabinete. Kung kontra partido, tiyak walang poder (tulad ni VP Doy Laurel kay Cory at ni VP Dadong Macapagal kay Garcia).
Dahil hindi pansinin, hindi rin kataasan ang ekspektasyon sa VICE. Kaya naman kapag may umugong na balita galing sa PNB Roxas Blvd. (opisina ng VP - alam nyo ba yun?), bonus na ang dating. Itong nakalipas na linggo, mukhang sunud-sunod na Christmas bonus ang handog sa bayan ni Vice President Noli "KABAYAN" de Castro.
Bilang Chairman ng HUDCC (Housing and Urban Development), pinairal ang "kalinga de Castro" para sa maliit. Muling pinabawasan ng kanyang opisina ang interes (from 9% down to 6%) sa mga Housing Loan ng Pag-IBIG Fund upang maging mas maabot ng mga maliliit na empleyado. Kasabay nitoy mas pinahabaan pa ang payment period mula 20 hanggang 30 years. Translation: Kung datiy P2,413.87 kada buwan ang amelyar sa utang na P300,000 - ngayon bababa ito sa P1,798.65.
Second time na ito ginawa ng Pag-IBIG sa taong ito, bagay na pihadong ikatutuwa ng mga miyembro. Katuparan ng kanilang pangarap na magkabahay at ginhawa na sulit ang sakripisyo sa buwanang deduction sa sahod.
Sa iba pang isyu, si Kabayan ay nagpasaklolo sa pribadong sektor na tumulong sa kampanya laban sa karahasan. Karaniwang biktima ng pang-aabuso, diskriminasyon at eksploytasyon ang batat kababaihan. Kulang pa raw ang hakbangin ng gobyerno upang malutas ang suliranin. Ang suwabeng tinig ni De Castro ay malaking bagay upang mapag-isa ang lahat ng sektor laban sa pambansang problema na ito. May masagip na kahit man isang biktima ay napakalaki nang bagay. HATAW Vice! At least hindi "flat" ang spare tire.
VICE PRESIDENT NOLI DE CASTRO
GRADE: 88

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest