Executive Sec. Eduardo Ermita
November 11, 2006 | 12:00am
MASUWERTE si President Arroyo sapagkat nasa tabi niya si Executive Sec. Eduardo Ermita nang bagsakan siya ng ibat ibang problema. Napakalaki ng naitulong ni Ermita sa paglusot ni Arroyo sa mga panganib sa kanyang buhay.
Maraming beses nakalusot sa butas ng karayom si Arroyo. Nariyan ang Garci tapes at impeachment complaint na sinabayan ng mga panawagan ng ibat ibang sektor na magbitiw na sa tungkulin dahil sa graft and corruption.
Nandiyan ang sunud-sunod na banta ng kudeta. Nalampasan ito ni Arroyo dahil kay Ermita. Si Ermita ay retired general at naging deputy chief of staff ni Gen. Fidel Ramos. Naging Secretary of Defense muna si Ermita bago naging Executive Secretary ni Arroyo.
Kung sa manok, may tahid na si Ermita. Sanay na sa labanan. Malawak na ang karanasan niya bago pa man naging congressman ng Batangas. Matagal siyang naging Presidential Adviser for Peace Process. Hanggang ngayon, umaalalay pa rin siya sa mga problema ni Arroyo.
Dumami pa sana ang katulad ni Ermita sa pamahalaan na tumutulong sa pagbuo at pag-unlad ng bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest