Niña bonita
November 9, 2006 | 12:00am
NAG-IISANG anak nina Fred at Lita si Baby. Tinawag ni Fred ang anak na "niña bonita". Mahal na mahal ni Fred ang anak sa puntong mas mahal na nito si Baby kaysa kay Lita. Naapektuhan ang pagsasama ng mag-asawa at kahit na maliit na pagtatalo ay nauuwi sa pagkakaroon ng pagdududa sa isat isa.
Kaya, nang magpa-insure si Fred, ginawa niyang benepisyaryo si Baby at ang kapatid na si Mando at hindi si Lita, bilang katiwala ni Baby habang menor de edad pa ito. Namatay si Fred noong 12 taong gulang si Baby. Alinsunod sa naitakda sa insurance policy, ang nalikom sa life insurance ni Fred ay mapupunta kay Mando. Dahil dito, iginiit ni Lita sa kanyang inihaing reklamo na sa kanya dapat mapunta ang insurance proceeds. Tama ba si Lita?
TAMA. Si Baby ang nagmamay-ari ng nasabing insurance proceeds. Subalit si Baby ay menor de edad pa at nasa ilalim ng kapangyarihan at pangangalaga ng kanyang naiwang magulang na si Lita. Ang insurance proceeds ay pag-aari ni Baby subalit ito ay dapat na ibigay kay Lita bilang usuprukto o ang may karapatang magtamasa kalakip ang tungkuling ingatan ito para kay Baby ayon na rin sa Article 321 ng Civil Code. Samantala, ang tiwalang ibinigay ni Fred pabor kay Mando ay walang bisa dahil ito ay salungat sa batas. Sa pagitan nina Lita at Mando, mas pinapaboran ang isang magulang kaysa sa tiyuhin lamang ng bata ayon na rin sa naging tradisyon at nakasanayan na.
Sa katunayan, ang hukuman ay instrumento ng ating gobyerno upang magampanan nito ang papel bilang parens patriae o ang natural na kapangyarihan at awtoridad ng estado na magbigay proteksiyon sa katauhan at ari-arian ng mga taong hindi kayang ipagtanggol ang sarili, tulad ni Baby. Kaya, sa pamamagitan ng hukuman, papaboran ang kahilingan ni Lita para na rin pagtibayin ang pamilya nito (Cabana vs. Pilapil 58 SCRA 94).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest