EDITORYAL Kamatayan sa mamamatay-tao
November 7, 2006 | 12:00am
KUNG ano ang inutang iyon din ang kabayaran. Kung pumatay ng tao, dapat patayin din. At iyan ang mangyari kay dating Iraqi President Saddam Hussein, makaraang hatulan ng kamatayan noong Linggo ng Iraqs High Tribunal. Napatunayang guilty si Saddam sa pagpatay sa sariling mga kababayan noong 1982. Nanginginig si Saddam nang tanggapin ang hatol at saka sumigaw ng "Dakila ang Diyos!" Matapos basahin sa kanya ang hatol muling sumigaw si Saddam ng "Buhay para sa matiwasay na bansa at kamatayan sa mga kalaban nito!" Noong una ay ayaw tumayo ni Saddam nang babasahin na ang hatol pero ipinag-utos ng judge na buhatin si Saddam. Nanatiling nakatayo si Saddam hanggang matapos ang pagbasa sa sentensiya. Kasamang nahatulan ni Saddam ng kamatayan ang kanyang half brother at dating intelligence chief na si Barzan Ibrahim at si Awad Hamed al-Bandar, dating pinuno ng Revolutionary Court. Isasagawa ang parusang kamatayan kay Saddam at dalawang kasama sa loob ng 30 araw. Kamatayan sa pamamagitan ng pagbigti ang gagawin sa kanila. Umanoy hiniling ni Saddam na huwag pagbigti ang gawin sa kanya kundi gawin na lamang firing squad pero hindi pumayag ang Korte.
Makaraang mapabalita ang hatol na kamatayan kay Saddam, marami ang natuwa at meron din namang nagalit at nagprotesta. Marami ang natuwa partikular sa bayan ng Dujail kung saan maraming pinatay si Saddam at ang kanyang mga sundalo. Sa lugar na ito minasaker ang 148 Shiites. Ipinag-utos ni Saddam ang pagmasaker sa 148 Shiites makaraang hindi magtagumpay ang assassination attempt sa kanya sa lugar.
Hindi lamang ang pagpatay sa mga Shiites ang kaso ni Saddam kundi ang pagpatay pa rin sa mga kababayang Kurds.
Maraming pinatay si Saddam sa loob ng 20 taong paghahari sa Iraq. Kinawawang masyado ang kanyang mga kababayan. Marami siyang ginutom.
Pero ang lahat ay may katapusan. Kung ano ang inutang ay iyon din ang kabayaran.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest