Pigil ang aksiyon ni Gen. Calderon kay SPO3 Tom Sacueza
November 1, 2006 | 12:00am
MAY 37 police chief na ang sinibak ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon dahil sa kapabayaan nila sa jueteng at iba pang sugal, Pero kung ang patuloy na operation ng bookies ng karera ni SPO3 Bartolome Tom Sacueza sa Maynila ang gagawing basehan, hindi consistent si Calderon sa kampanya niya laban sa pasugalan. Bakit? Kasi nga mabilis kumumpas ng kanyang kamay na bakal si Calderon laban sa 37 police chief subalit kay SPO3 Sacueza, pigil ang aksiyon niya. Maaari kong sabihin na ang kasalanan ng 37 police chief eh kapabayaan lang, subalit si Sacueza ay siya mismo ang nagpapalaganap ng sugal. Eh di ba mas malala yan? Si SPO3 Sacueza kasi ay naka-assign sa D4 o logistics ng Manila Police District (MPD). Kung gagawinig ehemplo ang pagka-relieve sa 37 police chief, aba may posibilidad ding masibak sa tungkulin si MPD OIC Sr. Supt. Danilo Abarzosa dahil sa kapabayaan niya sa mga butas ni SPO3 Sacueza, di ba mga suki? Sa ngayon kasi, aabot na sa 300 ang butas ng bookies ng karera ni SPO3 Sacueza dahil nakuha niya ang mga puwestong iniwan ni Apeng Sy, na nag-abroad matapos atakihin sa puso sa sobrang taas ng lingguhang intelihensiya na hinihingi sa kanya.
Kung hindi naman pinapansin nina Abarzosa sa Manila Mayor Joselito Atienza ang pagbubulgar ko ng mga butas ni SPO3 Sacueza, sa tingin ko naman kabaligtaran ang magiging reaction ni Calderon. Si SPO3 Sacueza kasi ay malaki ang naitulong sa bulsa. este sa opisina ni Abarzosa kada linggo kayat naintindihan ko kung bakit hindi niya kaya itong sawatahin. Pero si SPO3 Sacueza kaya ay may parating rin kay Gen. Calderon at NCRPO chief Dir. Reynaldo Varilla kayat tahimik lang sila? Alam tiyak yan ng tatlong itlog na sina Arnold Sandoval, Noel de Castro at alyas Pancho, ang malakas na bagyo na alaga ni RISOO chief Supt. Roberto Villanueva.
Ang butas ng kabo ni SPO3 Sacueza na si Chris- ma ay matatagpuan sa 2479 sa kanto ng Mercurio at Estrada Sts., sa Sta. Ana at sa 1790 Dagonoy St., San Andres Bukid; ang kay Rey ay sa 1705 sa Road 5 at 1941 Taal St., sa Punta, Sta. Ana; kay Digna sa 1618 Banting St., Sta. Ana; kay Ed sa Road 8 2196 Fabie Estate, Sta. Ana; Kay Katkat sa 2261 Radium St., San Andres Bukid at kay Boyong sa 2528 Posadas St., Punta, Sta. Ana. Ang sa kabo ni Tiago naman ay may butas sa 173 28 de Mayo St., Barrio Puso, Punta, Sta. Ana; kay Juvy sa 2311 Criselita St., San Andres Bukid, Cromium St., Sta. Ana, at 1974 Estrada St., Sta. Ana; Kay Yolly sa 1704 Dagonoy St., San Andres Bukid; kay Toto sa 2077 Calderon St., Sta. Ana; kay Janelle sa 1866 sa kanto ng Eloriaga at A. Francisco St., sa San An-dres Bukid, at 2858 Liwayway St., Sta. Ana; at kay Bong sa 1936 1st St. Fabie Estate. Ang kay Ruben naman ay sa 2377 Int. 25, Pasigline, Sta. Ana; kay Ruby sa 2442 Criselita St., San Andres; kay Kagawad sa 2501. M. Roxas St., Sta. Ana; kay Evelyn sa 2519 Callejon 11, Sta. Ana; kay John sa 1721 Kalahi St., Punta, Sta. Ana at kay Baboy sa 2735 Arellano St., Sta. Ana.
Sino kaya ang kasagutan sa problemang dulot ng bookies ng karera ni SPO3 Sacueza? Hindi tiyak sina Abarzosa at Mayor Atienza!
May karugtong!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am