^

PSN Opinyon

Utang na loob kay GMA, binalewala ng SC justices

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MARAMI nagtaka nang ibasura ng Supreme Court ang petisyon sa pag-aammend ng Konstitusyon sa pamamagitan ng people’s initiative. Hindi naitago ang mapait na reaksyon ng mga opisyal ni GMA. Isa na rito si Presidential Chief of Staff Mike Defensor.

Sinabi ni Defensor na walang utang na loob ang ilan sa Supreme Court justices sapagkat hindi nila sinuportahan si GMA na nag-appoint sa kanila.

Maliwanag na hindi na kailangan pang magsalita si GMA sa naging desisyon ng SC. Sapat na ang mga pahayag ng kanyang mga opisyal. Inaasahan na marami pang opisyal ni GMA ang babatikos sa SC.

Naniniwala ako sa binanggit ni Defensor na ang talagang nagpabagsak ng people’s initiative ay ang justices na in-appoint ni GMA. Gumamit pa ng mga masasakit na salita si Justice Antonio Carpio. Si Carpio ay in-appoint ni GMA. Abogado rin ni GMA si Carpio.

Kung alin pa ang mahalaga kay GMA iyon pa ang ibinasura ng SC. Sa pag-aammend ng Konstitusyon kasi nakasalalay ang pagtatagal sa kapangyarihan ni Arroyo. Pero nabalewala nga dahil sa SC. Hindi na biro ito. Pero maganda kung totoong independent na ang SC. Hindi na madidiktahan. Ang puna ko lang ay masyadong biglaan yata. Naninibago ako.

vuukle comment

CARPIO

GMA

GUMAMIT

INAASAHAN

JUSTICE ANTONIO CARPIO

KONSTITUSYON

PERO

PRESIDENTIAL CHIEF OF STAFF MIKE DEFENSOR

SI CARPIO

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with