^

PSN Opinyon

Baka mapurnada ang pagka-permanente ni Abarzosa sa MPD

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
DUMAPA na ang bagong bookies king ng Maynila na si SPO3 Bartolome ‘‘Tom’’ Sacueza noong mga nakaraang taon bunga sa sumemplang ang jueteng operation niya sa Albay at sa pagkalulong niya sa sabong. Subalit nitong nagdaang mga buwan, nakautang ng kapital si Sacueza sa mga lending firm kaya’t nabuhay na naman ang negosyo niya at nag-expand pa. Ang balitang nakarating sa akin, hindi na nagbabayad si SPO3 Bartolome ‘‘Tom’’ Sacueza sa mga inutangan niya kaya’t nadagdagan ang bilang ng mga humahabol sa kanya maliban kina Manila Mayor Joselito Atienza at MPD OIC Sr. Supt. Danilo Abarsoza. Hinahabol ba talaga si Sacueza nina Atienza at Abarzosa, mga suki? Owww!

Kung ayaw nina Atienza at Abarzosa na ipasara ang mga delanterang bookies ni Sacueza, si NCRPO chief Dir. Reynaldo Varilla at ang bagman niyang si Supt. Bob Villanueva, ng RISOO, kaya? Ano ba itong kapulisan natin, panay pagbabanta nila sa diyaryo ukol sa pasugalan subalit nasa harap na nila ang problema eh iniiwas pa ang paningin nila. Kung sabagay, kaya kayang tanggihan nina Atienza, Varilla, Abarzosa at Villanueva ang grasyang dulot ni SPO3 Bartolome ‘‘Tom’’ Sacueza? He-he-he! Tiyak HINDI, dahil tuloy pa ang negosyo ni Sacueza, di ba mga suki?

Buweno, kung hindi pa kuntento sina Atienza at Abarzosa sa mga ibinulgar kong puwesto ni Sacueza, dadagdagan ko pa para mapakilos sila. Kung sina Atienza at Abarzosa ay mahilig sa bodabil, ako naman ay HINDI. At hindi rin ako magsasawa para igiya ang kapulisan sa mga butas nga ni Sacueza, di ba mga suki? Kung sabagay, hindi lang naman sina Varilla at Abarzosa ang puwedeng manghuli ng butas ni Sacueza kundi maging ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ang National Bureau of Investigation (NBI) ay may mandate rin. Kaya tingnan natin kung anong unit ng pulisya ang masigasig sumunod sa kautusan ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon na lipulin ang pasugalan sa buong bansa.

At kapag, hindi kumilos si Abarzosa, tiyak may posibilidad na mapurnada ang pagka-permanente niya sa MPD. ’Ikaw din Sir, malapit nang maging tatlong buwan ang pagka-OIC mo. Sa ilalim kasi ng bagong PNP law, tatlong buwan lang dapat OIC ang isang opisyal sa kanyang puwesto. Kaya’t sa Nov. 1, tatlong buwan na si Abarzosa at antabayan natin kung ano ang magiging kapalaran niya dahil sa urong-sulong niyang kautusan sa pasugalan.

Tinalakay ko na ang puwesto ng kabo ni Sacueza na si Kambal kaya’t ang mga butas naman nina Omega at Ayu sa ngayon. Para sa kaalaman ni Calderon, Varilla, Abarzosa, CIDG at NBI, ang butas ni Omega ay nagkalat sa Sta. Ana, Manila. Narito ang mga address, sa S-2-B at 624 Tenement Building, at 2917 A. Bautista St. sa Punta; sa 9164 New Panaderos St., at 1977 Diamente St., sa Sta. Ana; sa 2447 Mercurio St., sa San Andres Bukid; sa 1879 kanto ng Estrada at Nidal Sts., sa Bgy. 770 Zone 84, at 3111 Bautista St., sa Bgy. 894, Zone 99. Ang kay Ayu naman ay sa 1751 George St., 2873 Sto., Niño St., at 2982 F. Manalo St., sa Punta, Sta. Ana.

Tingnan natin mga suki kung titiklop itong sina Calderon, Varilla, Abar-zosa, CIDG at NBI laban dito kay SPO3 Bartolome Sacueza na naka-assign sa D4 o logistic ng MPD.

May karugtong!

ABARZOSA

ATIENZA

BARTOLOME

BARTOLOME SACUEZA

BAUTISTA ST.

BGY

KUNG

SACUEZA

VARILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with