^

PSN Opinyon

Ba’t hindi masipa ni Atienza at Abarzosa si SPO3 Tom Sacueza?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAGIGING kaakibat ni Sr. Supt. Danilo Abarzosa, ang OIC ng Manila Police District (MPD), ang column na ito para tuluyang malinis ang Maynila ng mga pasugalan tulad ng bookies ng karera ni SPO3 Bartolome ‘‘Tom’’ Sacueza. Kung sa tingin ni Sacueza at iba pang mga gambling lords sa Maynila gumigiwang-giwang na ang ipina- ngako ni Abarzosa na linisin ang MPD area ng pasugalan, ako naman ang magiging giya para tukuyin ang mga puwesto nila. May basbas na kaya ni Abarzosa at Manila Mayor Joselito Atienza ang pagbukas ng pagsugalan sa Maynila nga? Hindi ba ang gusto ni Atienza ay magsara ang mga pasugalan tulad ng ginawa niya sa mga puwesto ni Apeng Sy? Bakit sa ngayon, nasampal lang ng Comelec si Atienza eh mukhang naiba ang ihip ng hangin at kumanbiyo ang patakaran niya? Anong agimat meron si SPO3 Bartolome Sacueza at hindi siya kayang sipain nina Atienza at Abarzosa? Kumikinang na salapi kaya ang dahilan? Si SPO3 Bartolome ‘‘Tom’’ Sacueza ay naka-assign sa D4 O logistic ng MPD. Maliwanag na kinakanlong siya ni Abarzosa, di ba Mayor Atienza Sir? He-he-he! Kunyari ayaw pa sa grasya nina Atienza at Abarzosa, di ba mga suki? Lagot si Abarzosa sa one strike policy ng PNP sa pasugalan pag nagkataon.

Bilang tulong sa adhikain ni Abarzosa na masara ang pasugalan sa Maynila, isa-isahin ko ang mga puwesto ni SPO3 Bartolome ‘‘Tom’’ Sacueza na karamihan ay nasa Pandacan, Sta. Ana, at San Andres Bukid. Ang may sakop sa mga bookies ng karera ni SPO3 Bartolome ‘‘Tom’’ Sacueza ay ang Station 6, Station 10 at Station 5 ng MPD. Ang mga malalaking kabo ni Sacueza ay sina Kambal, Digna, Ed, Rey, Katkat, Tiago, Bayag, Charisma, Ruby, Jojo, Janelle, Toto, Evelyn, Juvy, Ayu, Bong, Yolly, John, Baboy, Kagawad at Yolly. Ito pa lang ang nakuha ng aking asset at madadagdagan pa ito sa darating na mga araw mga suki. Giyahan ko si Col. Abarzosa para hindi na maantala pa ang pagiging permanente niya sa MPD nga. Si Mayor Atienza? Malapit na ang elections kaya’t walang maasahan dahil abala siya sa pag-iisip kung paano tatalunin ng manok niya ang galanteng si Mark Jimenez.

Narito ang mga puwesto ni SPO3 Bartolome ‘‘Tom’’ Sacueza na naka-assign sa logistic mo Col. Abarzosa Sir. Unahin ko ang mga puwesto ng kabo ni Sacueza na si Kambal na matatagpuan sa 2565 Topacio St., 2374 Estrada, 2235 Fabie St., 2549 C. Topacio St., 2502 sa kanto ng Alabastro at Estrada St., 2493 Crisalita St., 2546 kanto ng Zapiro at Estrada St’s., 2426 Rubie St., at 1712 Onyx Extrada St., lahat sa San Andres Bukid. Ang nasa Sta. Ana naman na mga puwesto ni Kambal ay nasa 2441 M.H. Del Pilar St., 2445 Tenorio Estrada St., 1858 Oro B St., 1947 N. Estrada St., 2485 Radium St., 2270 Rd. 4 Fabie Estate, 2508 Eloriaga St. sa kanto ng Estrada St., 2417 Eloriaga St., at sa 5558 Liwayway St. May butas din si Kambal sa Pedro Gil sa 1832 Rd. 14.

O hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga tip na ibinigay ko kay Col. Abarzosa. ’Wag sana niyang idahilan na abala ang MPD sa preparation nila sa All Saints Day sa Nov. 1 kaya’t hindi niya masawata ang bookies ng ka-rera ni SPO3 Bartolome Sacueza. Kapag nagkataon kasi, magdududa ang sambayanan na kinukunsinti si SPO3 Bartolome Sacueza. Hala bira na Col. Abarzosa Sir! ’Wag mong ipahiya si Atienza.

vuukle comment

ABARZOSA

ATIENZA

BARTOLOME

BARTOLOME SACUEZA

ELORIAGA ST.

ESTRADA ST.

MAYNILA

SACUEZA

SAN ANDRES BUKID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with