^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Tugisin ang mga ‘uhaw sa dugo’

-
MAHIGIT 200 katao na ang pinatay sa Bali, Indonesia ng dalawang Jemaah Islamiyah (JI) members na sina Dulmatin at Omar Patek. Uhaw na uhaw sa dugo ang dalawang teroristang ito at nang mainit na mainit na sila sa kanilang bansa, dito naman sa Pilipinas sila naghahasik ng lagim. Walang pagkasawa sa dugo ang dalawang ito sapagkat sila ang itinuturong may kagagawan sa tatlong insidente ng pambobomba sa Mindanao na ikinamatay ng anim na sibilyan at ikinasugat nang mahigit 30 noong Martes. May mga susunod pa raw pambobomba sa mga lugar sa Mindanao. Kaya naman mayroong "extreme critical" terror alert ang Armed Forces of Philippines sa Mindanao. Ayon kay AFP chief of Staff Hermogenes Esperon na nasa alert level 4 sila.

Malakas ang loob ng dalawang JI members sapagkat kinakalong sila ng Abu Sayyaf na si Khadaffy Janjalani. Nagsanib na ng puwersa ang dalawang terrorists group at planong maglunsad ng mga pag-atake. Sabi ni Esperon, ang pambobombang isinasagawa ay ganti ni Dulmatin sa ginawang pag-aresto sa kanyang asawang si Istiada Binti Oemar Sovie. Inaresto si Sovie noong nakaraang linggo sa Patikul, Sulu. Inamin ni Sodie na siya ang nagdadala ng mga gamit at pagkain sa dalawang grupo. Kasalukuyang pinipigil ng military si Sovie.

Madulas ang JI-Abu Sayyaf at ito ay malaking hamon sa military. Kung patuloy na nakalulusot ang mga bombers na ito, delikado ang seguridad ng mamamayan. Marami ang mamamatay na baka mahigitan pa ang nangyari sa Bali, Indonesia na pawang Australians ang namatay.

Huwag hayaang ang Pilipinas ang maging mundo ng mga teroristang sina Dulmatin at Patek. Huwag hayaang dito nila gamitin ang pinag-aralang pagpatay sa pamamagitan ng bomba. Ayon sa report, sina Dulmatin at Patek ay nagsanay sa paggawa ng bomba sa Afghanistan. Pinag-aralan nilang mabuti kung paano idedetonate ang bomba gamit ang cell phone. Eksperto umano si Dulmatin sa cell phone.

Ang nangyaring pambobomba sa Makilala, North Cotabato ay kagagawan ng dalawang tero-rista sapagkat nakita ang ginamit na cell phone. Hindi maitatanggi na ang JI members ang may kagagawan.

Tugisin at dakpin ng military sina Janjalani, Dulmatin at Omar Patek, sila ang mga taong "uhaw sa dugo". Hindi na sila nararapat makalusot.

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF PHILIPPINES

AYON

DALAWANG

DULMATIN

HUWAG

ISTIADA BINTI OEMAR SOVIE

MINDANAO

OMAR PATEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with