^

PSN Opinyon

Mark Jimenez unti-unti nang nagpapasakit sa ulo ni Atienza

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
UNTI-UNTING hinuhubad ni dating Rep. Mark Jimenez ang balatkayo o motibo ng pamumudmod ng kanyang pera, lalo na sa mga kapuspalad na nagpapasakit sa ngayon ng ulo ni Manila Mayor Joselito Atienza. Lumiliwanag pa sa sikat ng buwan mga suki na tatakbo si Jimenez sa pagka-mayor sa darating na halalan. At kaya ko sinabing sumasakit ang ulo ni Atienza dahil ang bango ng pangalan sa ngayon ni Jimenez, lalo na sa mga mahihirap, at ang manok niya na si Ali ay hindi man lang pinag-usapan sa mga umpukan. At kung ang fiesta ng St. Lorenzo Ruiz noong Linggo ang gagawin kong basehan, aba nakapuntos na naman si Jimenez at naiwang tulala ang manok ni Atienza na hindi man lang umaangat sa mga survey. Paano kasi mga suki, sa bisperas pa lang ng kapistahan, nagbigay ng coupon ang kampo ni Jimenez sa pamamagitan ni Konsehal Alex Co, sa taga-Binondo na pandagdag handa ng mga residente roon. Kinabukasan, pumila ang mga residente sa mga dumating na van ni Jimenez at… presto may libreng manok na nga sila. Marami sa mga residente ang natuwa at hang- gang sa ngayon, tandang-tanda nila ang pangalan ni Jimenez. Si Atienza at ng anak niya? Bokya mga suki! Kung tutuusin, si Atienza pa ang nakaupo sa ngayon pero ni hindi niya naisip na tapatan ang pakulo ni Jimenez. Kuripot lang kaya si Mayor?

Maaaring ang mga mayayaman sa Binondo ay bilib sa ngayon kay Atienza subalit ang mahihirap ay masabi kong ke Jimenez na, he-he-he! Libreng plug to ha’ mga suki.

Si Atienza ay naging guest sa misa sa simbahan sa San Lorenzo Ruiz na dating Binondo church nga. Ayon sa mga kausap ko, naging entablado ng pulitika ang simbahan dahil nagsalita rin ang son-in-law ni Atienza na si Rep. Miles Roces nga. Matamlay ang palakpakan sa mga katagang binitiwan ni Roces dahil marami sa mga nagsimba ay mga alipores din ni Naida Angping, he-he-he! Intriga ’yan ha? At nang magsalita nga si Atienza, binanggit pa niya na kasama niya si Ali, na dinedma naman ng mga naroroon. Pero habang nagsasalita pa si Atienza, marami na sa mga nagsimba ang dahan-dahan na umalis at hindi magandang pangitain ’yan para sa kampo niya kung election ang pag-uusapan. ’Ika nga kung gaganapin ang election sa ngayon, tiyak iiwan ni Jimenez nang milya-milya ang manok ni Atienza. Kung sabagay, hindi lang ang manok ni Atienza at si Jimenez ang maglalaban sa Maynila sa darating na elections dahil may mga balak ding tumakbo sina Sen’s. Alfredo Lim at Ping Lacson, Rep. Rodolfo Bacani, dating First Lady Imelda Marcos. at Vice Mayor Danny Lacuna. Kaya lang nakasentro ako sa ngayon kina Jimenez at manok ni Atienza dahil ang mga kampo nila ang may makinarya.

Sa City Hall naman, may masamang senyales na rin na nangyayari na bumabagabag sa isipan ng buti-hing mayor ng Maynila. May ilan kasi sa mga kakampi ni Atienza na konsehal na nag-resign, hindi lang sa majority, kundi maging sa partido niyang Liberal Party. At saan sa ngayon ang mga nag-resign na kaalyado ni Atienza? he-he-he! Lumipat sila sa kampo ni Jimenez mga suki. May crack na ang liderato ni Atienza sa LP? He-he-he! May kasabihan kasi tayo mga suki na kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo, ’yan din ang nangyayari sa ’yo. Di ba si Atienza ang namuno sa mga tumiwalag sa kampo ni dating LP President at Senate President Sen. Franklin Drilon? Abangan!

ALFREDO LIM

ALI

ATIENZA

BINONDO

FIRST LADY IMELDA MARCOS

JIMENEZ

KONSEHAL ALEX CO

NGAYON

SI ATIENZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with