Trahedya sa Sunny Brooke 1 kapabayaan ng NIA
October 6, 2006 | 12:00am
ANG pagsabog ng Butas Dam ang pangunahing da- hilan sa nangyaring malagim na flash flood sa Sunny Brooke 1 Subd. Bgy. San Francisco, General Trias, Cavite noong nakaraang Huwebes habang rumaragasa ang bagyong Milenyo.
Dahil sa kapabayaan ng National Irrigation Administration (NIA) sa kanilang tungkulin, nagbuwis ng buhay ang humigit kumulang sa 30 katao nang tangayin ang mga ito ng baha matapos anurin ang humigit kumulang sa anim na metrong lupa sa tabi ng Butas Dam sa may Halang River.
Ang Butas Dam ang nagsusuplay ng tubig sa mga palayan ng Santiago, Sitio Ilang, Sitio Niyugan at ilang pang kalapit na barangay kung saan talaga namang malaking pakinabang sa mga magsasaka roon.
Ngunit ang sakuna ay kisapmata lamang kung mangyari at eto nga ang sinapit ng mga taga Sunny Brooke inanod at nilamon ng malakas na agos ng tubig ang may 17 unit ng row houses ng Filinvest Land Inc., kasabay ang paglaho ng pangarap ng mga pamilyang umuokupa sa naturang mga pabahay.
Dahil sa maagap na pagtupad sa tungkulin ni Mr. Vic Abilar, president ng Sunny Brooke 1 Homeowners Association Inc. nailikas ang mga pamilya at sa kabutihang palad ay wala ni isang pamilya ang natangay ng tubig. Tunay kang maaasahan sa oras ng kagipitan. Saludo ako sayo Sir! Ngunit dahil may ilang matitigas ang ulo at ang ilan namay talagang naghahanap lamang ng pagkakakitaan, nagbakasakaling manungkit ng mga bagay bagay sa gilid ng dam na inaanod ng tubig.
Kasama ang mga nag-usyusong mga kabataan na napabayaan ng kanilang mga magulang ay naganap ang di-inaasahang pangyayari. Isang iglap lamang nang biglang gumuho ang kanilang tinatapakang lupa kasabay ang malakas na dagundong at nawala silang lahat na parang bula.
Nanlumo ang mga nakasaksi sa pangyayari, Hindi na nila makita ang mga taong nag-uumpukan na masaya pang naghihiyawan bago maganap ang malagim na insidente. Dahil sa inabot na ng dilim at kawalan ng ilaw ay pinagpaliban na muna ang paghahanap sa mga biktima dahil sa nagbabadya pang panganib sa rescuers.
Kinabukasan kasama ko si Supt. Gregorio Evangelista ang hepe ng Gen. Trias Police sa paglilibot sa mga barangay na apektado ng naturang flash flood.
Sadyang nahirapan kaming bagtasin ang mga kalsada patungong Malabon dahil sa nagbagsakang malalaking puno ng acacia at mga poste ng koryente. At maging ang mga kasama naming pulis ay tumulong pa sa pagputol upang mahawi sa daan, he-he-he!
Narating namin ang Bgy. Bacao na isa sa pinaka-apektado ng baha na umabot sa pitong talampakan ang lalim at nag-iwan ng humigit sa isang metrong burak. Wasak ang mga kabahayan at nagkandabasa ang mga kagamitan, wala na halos madaanan dahil sa nagbagsakan ang mga malalaking puno sa gilid ng kalsada.
Doon namin nakita ang isang bangkay na nagngangalang Danilo Remigio na lulutang-lutang sa ilog. Humigit kumulang sa 10 kilometro ang layo mula sa Sunny Brooke 1 na kung saan nagmula ang sakuna at marahil ang ibay natangay pa sa malalayong bayan ng Cavite dahil sa lakas ng agos.
Sa puntong ito tinatawagan ko si Dating PNP Chief at kasalukuyang NIA Administrator Arthuro Lumibao na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa kapabayaan ng kanyang mga tauhan. Hagupitin nyo sina Mr. Santor at Eng. Nucon na mga responsable umano sa naturang Butas Dam.
Abangan mga suki at marami pang sumbong ang nakarating sakin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended