Malalaman bukas kung me bayag sa jueteng si Calderon
September 29, 2006 | 12:00am
MUKHANG sinusubukan ng mga illegal gambling financiers sa Pangasinan kung hanggang saan ang pasensiya ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon kung jueteng ang pag-uusapan. Ang balitang nakarating sa akin mga suki, nagsara ang jueteng sa Pangasinan subalit sa loob lamang ng tatlong araw. Sa ngayon full blast na naman ang jueteng sa probinsiya ni House Speaker Joe de Venecia. At sino ang dapat sisihin? Si Archbishop Oscar Cruz ba ng Krusada ng Bayan laban sa jueteng, ang mga pulitiko doon o ang mga tutulog-tulog na kapulisan? Kung sabagay, wala nang karapatang mag-ingay si Cruz laban sa jueteng dahil bayad na ang kanyang whistleblower na si Wilfredo Boy Mayor, ayon sa mga kausap ko. Subalit bukas na ang deadline ni Calderon na pasarhan niya ang jueteng sa buong bansa at tingnan natin kung may binatbat itong mga gambling lords sa Pangasinan. Kapag hindi nagsara ang jueteng sa Pangasinan, mapapahiya si Calderon. At maaaring gawing ehemplo rin ito ng iba pang probinsiya para huwag na ring sarhan ang jueteng operations nila, di ba mga suki? He-he-he! Bukas malalaman natin kung may bayag si Calderon laban sa jueteng.
Kaya habang tahimik itong si Cruz, tiba-tiba naman ang mga financiers ng jueteng na sina Bong Cayabyab, Deo Jimenez at Boy Bata. Aabot pala sa P5 milyon kada araw ang kubransa sa jueteng sa Pangasinan kapag normal na ang operation nito. Ang iba pang financiers ay sina Luding Bongaling ng Calasiao at Sta. Barbara, si Anton Lee sa San Carlos City at si Vertud Tomboy Beltran sa 2nd District. Ang tagamahala ng lingguhang intelihensiya para sa local at national police at government officials ay itong sina Lito Millora, Benjie Torio at Pidong Ocampo, na nagyayabang na pinsan siya ni retired PNP chief at ngayon NIA chief Arturo Lomibao. Totoo kaya na yumabong itong jueteng sa Pangasinan dahil kumakalap ng pondo si Lomibao na may balak tumakbong gobernador sa darating na local elections? Kaya habang tuloy ang operation nina Ocampo, Millora at Torio, kay Lomibao nakatuon ang mga mata ng taga-Pangasinan. Retirado na rin si Chief Supt. Alfredo de Veyra, ang dating hepe ng PRO1 na kumakanlong kina Ocampo, Millora at Torio kayat nagtataka ako kung bakit matapang pa silang isnabin ang kautusan ni Calderon nga, he-he-he! Magkaalam-alaman tayo sa susunod na mga araw mga suki kung sino ba talaga ang bagyo sa gobyerno ni GMA.
Kung sabagay, kaya nanalasa ang jueteng sa Pangasinan dahil nagpunta sa abroad itong si Calderon. Pero sa ngayon, dumating na ang PNP chief sa bansa at wala nang inaatupag kundi alamin kung sinu-sino sa mga PNP provincial commanders ang sumunod sa kautusan niyang lipulin ang jueteng sa kanilang kinasasakupan. Maugong kasi sa Manila Police District (MPD) na may namumuong reshuffle sa hanay ng kapulisan at maaaring gamitin ni Calderonn ang jueteng issue para hindi magreklamo ang mga tatamaan. Kaya sa susunod na mga araw, dapat magiging decisive si Calderon sa kanyang mga decision para patunayang hindi siya lameduck PNP chief. Ipakita mong may bayag ka Gen. Calderon. At ang unahin mong sibakin ay ang hepe ng Pangasinan PNP provincial command.
Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended