^

PSN Opinyon

Umaksyon si Bataoil!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
ACTION man si NPD bossing Pol Bataoil kaya naman ang mga lintik na kriminal sa kanyang jurisdiction ay timbog halos lahat.

Ganitong klase ng Philippine National Police ang dapat suportahan ng madlang people. Tama ba, PNP bossing Oscar Calderon, Sir! Ika nga, dehins pakaang-kaang!

Natutuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO kay Pol kasi mula nang humawak siya ng command dehins siya nahuling natutulog sa pansitan lalo’t ang pinag-uusapan ay ang peace and order situation sa kanyang kaharian.

Soft spoken si General Bataoil, magalang, mabait at makatao hindi lang sa mga residente sa CAMANAVA kundi maging sa kanyang mga police.

Saludo ang mga kuwago ng ORA MISMO at ang Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA) kay Pol dahil nadadagdagan halos everyday ang mga tekamots sa kalaboso na pumaslang sa aming kabarong si Orsolino.

Nang malambat sa Laguna si Rommel Lizaran, ang sinasabing gunman ni Orso ay marami siyang ikinanta na tulad nina Lope Jimenez, isang monkey, este mali, businessman pala at sinasabing tak-u, PNP Inspector Roberto bayag, este mali, Dayag pala, hepe ng SWAT ng Navotas Police Station, bilang co-conspirator kasama sina Manuel Montero, a.k.a. Chief Marko, Eric Fernandez, tsuper ni Jimenez, Norberto Ponce alyas Obet, isang alyas Jun at Jr. na pawang taga-Cavite. Ika nga, lagot sila, tiyak kalaboso sila kapag nagkataon.

Pero sabi ni Pol, ang mga ikinanta ni Lizaran at maski siya ay may due process under the Law of Court. Sabi ni classmate este P/Supt. Nap Cuaton, considered this case as completely solved with the identification of the mastermind, co-conspirators, gunmen and look-outs. Hay, thank you LORD, talagang marunong ka!

Pero sa family ni Orsolino, dehins pa tapos ang lahat dahil may mga nagbabanta pa rin sa kanila. Sabi nga, mga putok ng baril ang naririnig nila sa kanilang lugar nang madakip si Lizaran. Ika nga, nananakot pa rin ang mga gago.

Bibigyan ng tulong ni Pol sina Elisa and family dahil itatago ito sa safer ground para sa sarili nilang safety.

"Tahimik na siguro ang kaluluwa ni Orso dahil kilala na ang mga sinasabing tumigok sa kanya," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Kung ganoon, aakyat na ang kaluluwa nito sa heaven at aalis na ito sa lupa," sabi ng kuwagong sepulturero.

"Palakpakan natin ang grupo ni Pol."

"O, kamote, anong masasabi mo kay Pol?"

"Pang PNP chief na siya, he-he-he!"

vuukle comment

CHIEF MARKO

ERIC FERNANDEZ

FILIPINONG MAMAMAHAYAG

GENERAL BATAOIL

IKA

INSPECTOR ROBERTO

LAW OF COURT

LIZARAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with