^

PSN Opinyon

Mas mataas kaysa batas

SAPOL - Jarius Bondoc -
NAYABANGAN umano ang Special Board of Marine Inquiry (SBMI) kay Captain Norberto Aguro ng M/T Solar-1 na nagkalat ng krudo sa karagatan ng Visayas. Kasi nu’ng tumestigo siya tungkol sa oil spill, inismid niya na ang kanyang certificate of competence (COC) bilang shipmaster ay para sa general chemical tanker, hindi para sa oil tanker tulad ng Solar-1. Lipas na nu’ng 2002 ang COC niya para general oil tanker. Wala siyang specialized oil tanker training na inatas ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa mga kapitan ng oil tankers nu’n pang 2005. Meron siyang advanced chemical tanker training, pero lipas na rin ang COC nu’ng 2002.

Ibinida ni Aguro na bihasa siyang marinero. Dahil nakapag-trabaho na sa mga chemical o LPG tankers sa Japan, mas kuwalipikado raw siya sa oil tankers miski walang COC. Nakita raw ng mga taga-Petron, Caltex at Shell ang kanyang chemical tanker COC, at lahat daw bumilib. Pati amo ni Aguro, si Sunshine Maritime Development Corp. president Constantino Cancio, gan’un ang haka-haka. Dahil mas delikado kuno ang chemicals kaysa krudo, mas mataas ang COC ng chemical tankers kaysa oil tankers.

May nauna nang isininghal sina Aguro at Cancio. Nairita sila sa mga tanong kung bakit umuupa pa ang Petron ng taubing single-hull imbis na matatag na double-hull tankers. Anila sa 2008 pa naman ipatutupad ang bagong alituntunin ng MARINA; ganunpaman mali raw ang utos. Balewala raw na nu’ng 2003 pa naka double-hull na ang Shell at ilang mas maliliit ng kompanya ng langis.

Mababatid sa mga salita nina Aguro at Cancio na animo’y mataas pa sila sa batas. Sa libro ng MARINA, dapat ang tamang COC para sa tamang barko. Sineseguro dapat ito ng may-ari (Sunshine) at ng charterer (Petron). Pero para kina Aguro at Cancio, mas mahalaga ang sariling opinyon kaysa boses ng awtoridad. Pati ang utos na mag-switch sa double-hull, tinutuya.

Peligroso ang kayabangan nila. Para silang bangag na bus driver na nananagasa ng lahat ng madaanan. Kaya naman, sa paglubog ng Solar-1, dalawa ang nasawi, at winasak ng oil spill ang kalikasan at kabuhayan.
* * *


Abangan: Linawin Natin, tuwing Lunes, 11:45 p.m., sa IBC-13.

AGURO

CANCIO

CAPTAIN NORBERTO AGURO

COC

CONSTANTINO CANCIO

DAHIL

LINAWIN NATIN

MARITIME INDUSTRY AUTHORITY

OIL

PETRON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with