EDITORYAL - Higpitan ang mga oil tanker
August 30, 2006 | 12:00am
WALA sanang oil spill sa bahagi ng karagatan ng Guimaras kung nainspeksiyong mabuti ng Coast Guard at iba pang awtoridad ang M/T Solar bago ito nakapaglayag noong August 11. Hindi sana nagdurusa ngayon ang mga mangingisda sa Guimaras at hindi rin sana nakadaranas ng gutom.
Ngayong nangyari na ang pagkatapon ng langis at maraming kabuhayan na ang napinsala, saka lumabas ang pagsisisihan at pagtuturuan. Walang ipinagkaiba sa mga nauna nang insidente na kung kailan mayroon nang casualties saka lamang naghihigpit. Saka lamang nabulabog. At pagkalipas ng isa o dalawang buwan na wala na ang isyung pinag-uusapan, balik na naman sa dating gawain. Ningas-kugon lamang ang lahat nang paghihigpit. Magkakaroon lamang nang paghihig-pit kapag mayroon na namang nangyaring insi-dente o trahedya.
Ayon sa mga eksperto, ang mga oil tanker ay nararapat na dumaan sa mahigpit na inspeksiyon bago maglayag sapagkat hindi biro ang kargadang langis na ibibiyahe pa nang malayo. Dapat daw siguruhin na ang tanker ay matibay at hindi basta-basta masisira. Sabi ng isang eksperto sa maritime industry, nararapat na makapal ang body ng tanker at hindi lang ito isang layer kundi dalawa. Kung masira ang unang layer ng katawan ng tanker, mayroon pang isang layer na kailangang masira bago tumagas ang langis. At ang unang layer daw ng katawan ng tanker ay hindi basta-basta nasisira. Dumadaan daw sa maraming test ang tanker bago isabak sa mabigat na pagtatransport ng langis sa maraming port sa bansa.
Ayon sa report, ang M/T Solar ay umalis sa Bataan noong Aug. 10 subalit pagdating sa karagatang malapit sa Mindoro ay nakaranas nang masamang panahon. Nagpatuloy ang masamang panahon hanggang sa maisipang magkubli sa mga isla at nang maiwasan ang ngitngit nang malalaking alon. Subalit sa kabila ng pagsisikap ng kapitan, hindi rin ito nakaligtas. Lumubog ang tanker at doon na nagsimula ang pagtagas nang napakaraming langis. Nakalubog na sa malalim na bahagi ng karagatan ay wala pa rin umanong tigil ang bulwak ng langis sa M/T Solar.
Hindi kaya, masyadong manipis ang katawan ng M/T Solar at nang salpukin ng alon ay bumigay? Napansin kaya ito ng Coast Guard?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest