^

PSN Opinyon

Mga sariling pinuno sumira sa nursing

SAPOL - Jarius Bondoc -
ANG nursing ay isa sa mga kokonting propesyon na masidhing magtaguyod ng ethics. Sa board exams, binubuno ng nais mag-nurse ang mahihirap na tanong ukol sa tamang gawi sa mabibigat na sitwasyon: Halimbawa, may sakuna o malaking personal na problema. Miski nurse na, kailangan mag-attend ng malimit na ethics seminars sa mga bagong alituntunin: Ehemplo, pag-aruga sa psychiatric patient o matatanda sa ibang bansa.

Tungkulin ng lahat ng sektor sa nursing na pangalagaan ang ethics. Nariyan ang Professional Regulatory Commission na taga-lisensiya, at Board of Nursing nito na taga-eksamen. Nariyan ang mga dekano at guro sa nursing schools at review centers, na tagahubog ng pag-iisip. Nariyan ang Philippine Nurses Association, na tagasulong ng interes ng propesyon. Bantay sila sa ethics ng mga nurse.

Bakit gan’un ang higpit sa nursing? Kasi, pangangalaga ito sa tao na ipinagkakatiwala ang buhay. Masakripisyo itong propesyon. Tinuturing na pinaka-masugid na nurse si Florence Nightingale, na namuno sa mga female volunteers kumalinga ng mga sugatan sa Crimean War nu’ng siglo-1800. Iniismiran ng mga doktor nu’ng una si Florence, pero nagpursigi siya. Iginiit ang kalinisan sa ospital at kagamitan; kinukuwentuhan ang mga pasyente para hindi mawalan nang pag-asa. Nu’ng huli, nabawasan ang mga namamatay.

Sa isyung question leakage sa 2006 nursing board exams, winasak ang propesyon ng mga taga-pangalaga mismo nito. Lumabas na ang PNA president mismo ay nanuhol sa examiners (pinasyal sa Switzerland). Ito’y dahil may nursing school at review center siya, at kinausap ng 22 dekano ng mahihinang nursing schools. At napakabagal ng PRC umaksiyon.

Basag ang tiwala ng madla sa 2006 nursing examinees. Pati overseas recruiters kabadong i-deploy sila sa magagandang trabaho sa Amerika. Nasira ang ethics ng propesyon. Pero tungkulin ng mga institusyon na linisin ang sariling ranggo at muling itaas ang bandila ng mga nurse. May pag-asa pa, basta malinis nilang hangarin ang panunumbalik ng kabutihan.

vuukle comment

AMERIKA

BAKIT

BOARD OF NURSING

CRIMEAN WAR

FLORENCE NIGHTINGALE

NARIYAN

NURSING

PHILIPPINE NURSES ASSOCIATION

PROFESSIONAL REGULATORY COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with