^

PSN Opinyon

Update: ‘Gang rape sa Hermosa, Bataan’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
DALAWANG sunod na Sabadong pinasabog ng BITAG ang kasong panghahalay ng grupo ng kalalakihan sa dalagitang si ‘‘Baby’’ sa Hermosa, Bataan.

Apat ang itinuturong suspek ng biktimang si ‘‘Baby’’ na pawang magkakamag-anak pa at ang isa ay anak ng Bgy. Chairman ng A. Rivera na si Bok Santos.

Una naming inilapit ang kasong ito sa Gabriela, ang grupo ng kababaihan na tumutulong daw sa mga naabusong kababaihan. Pero tila lamig sila sa kaso ni ‘‘Baby,’’ marahil naliliitan lamang sila kumpara naman sa kaso ni ‘‘Nicole’’ sa Subic Rape case na sa mas malaking di hamak ang saklaw ng media.

Kasalukuyang hawak ng Volunteer’s Against Crime and Corruption sa pamumuno ni Dante Jimenez at ni Atty. Pete Principe ang tatayong abogado sa kasong ito ni ‘‘Baby.’’

Sa isinagawang preliminary investigation na ginanap sa Justice Hall ng Balanga Bataan, nasaksihan namin kung gaano kabaligtad ang mundong ginagalawan ng ilang mga residente ng Barangay A. Rivera sa Hermosa Bataan.

Sa halip na ang pobreng biktima ang sumigaw ng katarungan sa nangyari sa kanya ang mga magulang at kamag-anakan ng mga suspek ang nagpoprotesta.

Iba’t ibang mga placards ang siyang idinisplay ng mga kamag-anak ng mga suspek at nag-rally pa sa harap ng Justice Hall laban sa biktimang si ‘‘Baby.’’

Dahil sa nakitang sitwasyong ito ng VACC at ng abogadong si Atty. Principe hiniling nila sa tanggapan ng Department of Justice na mailipat ang venue ng kasong ito sa Maynila sa halip na sa Bataan.

Ito’y upang maiwasan at ingatan ang mga bagay na hindi dapat mangyari na kanilang ipinangangambahan sa kasong ito.

Patuloy na tinututukan ng BITAG ang mga susunod pang mga hakbang at aksyon sa kasong gang rape sa Hermosa, Bataan. Abangan!

AGAINST CRIME AND CORRUPTION

BALANGA BATAAN

BARANGAY A

BOK SANTOS

DANTE JIMENEZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

HERMOSA

HERMOSA BATAAN

JUSTICE HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with