^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Katarungan para kay ‘Nicole’

-
GINAHASA si "Nicole" at nararapat lamang na makamit niya ang katarungan. Kahit na ano pa ang sabihin, sinamantala ang kanyang kahinaan habang nasa espiritu ng alak. Katunayan sa tindi ng kalasingan niya, nalaman na lamang niya na nasa ibabaw niya ang isang Amerikanong sundalo at nailugso na ang puri niya. Ang sundalong iyon ay nakasayaw niya sa Neptune Bar sa Subic at nagngangalang Corporal Daniel Smith. Nangyari ang panggagahasa noong Nov. 1, 2005 sa loob ng isang van.

Hindi pagkainis o galit ang dapat ipagkaloob kay "Nicole" ngayong unti-unti nang nagkakaroon ng hugis ang mga nangyari sa kanya sa loob ng Neptune. Marami ang nagsasabi na isa siyang "kaladkarin" at "malanding" babae pero ang totoo isa siyang Accounting graduate sa Ateneo de Davao at tumatayong manager sa kanilang canteen kung saan ang mga customer nila ay mga American soldiers na naka-base sa Southern command. Ang canteen nina "Nicole" ay nasa headquarters ng Southcom.

Napadpad sa Subic si "Nicole" dahil sa imbitasyon ni US Navy Petty Officer Christopher Mills. Kasamang nagbakasyon ni "Nicole" sa Subic ang hipag niyang si Anna Liza.

Maraming nainom na alak si "Nicole" habang nasa loob ng Neptune noong gabi ng Nov. 1. Nagsasayaw sila ng kanyang hipag at si Mills ng isang sundalo ang humawak sa kanyang braso at isinama siya palayo. Pero bago nakalayo napatingin siya kay Mills at humingi ng permiso kung maaari siyang makipagsayaw sa iba. Pumayag si Mills. Nakipagsayaw si "Nicole" sa sundalo na nalaman niyang si Cpl. Danile Smith. Marami pa siyang nainom. Hanggang sa mawala sa paningin niya ang hipag at si Mills.

Ang kasunod na nalaman ni Nicole ay nasa "ibabaw" na niya si Smith at hinahalikan daw siya.

Doon natapos ang pagsasalaysay ni "Nicole" noong Huwebes at umiyak na siya pagkatapos.

Walang dudang ginahasa si Nicole at ang masakit, ang mga gumahasa pa ay mga kasamahan ng itinuring na kaibigan. Hindi naprotektahan si "Nicole" at lumalabas na ipinaubaya pa ng nag-aanyayang kaibigan. Ngayon ay pilit na ginigiba ang mga kuwento ni "Nicole". Pero paano magigiba ang totoong kuwento na ang sugat ay sariwang-sariwa pa sa pagkababae ni "Nicole". Katarungan ang hinihingi ni "Nicole" at dapat niya itong kamtin.

ANNA LIZA

CORPORAL DANIEL SMITH

DANILE SMITH

MARAMI

NAVY PETTY OFFICER CHRISTOPHER MILLS

NEPTUNE BAR

NICOLE

NIYA

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with