Dorobo ng mga lansangan, nagkalat sa Metro Manila
July 5, 2006 | 12:00am
HINDI na bago sa BITAG ang mga estilo ng pangongotong sa lansangan katulad na lamang ng mga Tabo Boys na makikita sa mga riles at kanto ng lansangan na walang habas na nanghihingi sa mga motorista.
Subalit hindi lamang ang mga Tabo Boys ang naghahari sa pangongotong sa lansangan. Nandiyan din ang mga tinatawag na Barker Boys na nagkalat sa Metro Manila.
Ang estilo ng mga ito ay tatawag ng pasahero sa mga humihintong pampasaherong jeepney at hihingan ng tong ang driver may maisakay man o wala.
Maraming reklamo ang natanggap ng BITAG hinggil sa ginagawang paghahari ng mga dorobong Barker boys.
Habang nakahinto ang mga pobreng driver, pilit na kinakatok ng mga dorobong Barker boys ang kanilang mga pampasaherong jeepney para umalis sa kinahihintuan.
Ang reklamo pa ng mga pobreng driver, kapag hindi sila umalis ay halos sirain ng mga ito ang kanilang jeepney para lamang umalis sila.
Ngunit ang mga dupang na mga taong ito ay walang sinasanto maliit man o malaki.
Ayaw magtrabaho ng patas ang mga kolokoy na ito. Ayaw nilang gamitin ang kanilang mga maskuladong katawan.
Umiiral sa kanila ang pananakot sa mga pobreng driver na kung kumita ay halos kapos para sa kanilang pamilya at hahatian pa ang mga makakapal at batugang mga barker.
Para makaiwas sa gulo ay nagbibigay na lang kaysa mabutas ang kanilang mga gulong o di naman kaya ay batuhin sila.
Mensahe ng BITAG sa mga dorobong barker boys na nagkalat sa Metro Manila, ang lalaki ng mga katawan nyo, mas magandang magbanat kayo ng inyong mga buto at magtrabaho nang parehas.
Wag nyo nang antayin pang kumilos ang BITAG upang tuluyan kayong burahin sa mga lansangan dahil kapag kami ang gumawa ng patibong, siguradong may kalalagyan kayo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest