Ugali at sistema sabay baguhin
July 3, 2006 | 12:00am
MAY mga nagsasabing walang mangyayari sa Pilipinas miski baguhin ang sistema. Kung nais daw natin umunlad, linisin ang gobyerno o ipatupad ang batas, ang dapat daw baguhin ay ugali natin.
Itinuturo nilang ehemplo ang Japan, na 80% ng teritoryo ay bundok kaya kapos sa agrikultura at bakahan, pero ikalawang pinaka-maunlad na ekonomiya sa mundo. Isa pang ehemplo ang Switzerland na wala namang tanim na cocoa pero numero unong producer ng tsokolate.
Tama sila sa pagsuri na dapat ayusin ang ugali natin para umunlad, luminis at pumayapa ang kalakaran. Pero dapat sabayan ito ng pagbago rin ng sistema. Sistema ang nagbubunsod ng magagandang ugali, at sistema rin ang sisiguro na mananatili ang magagandang ugali.
Ang pinaka-malapit na ehemplo ay ang Subic Freeport. Sistemang Amerikano ang palakad dito dahil dating US naval base. Mahigpit sila sa batas trapiko at basura, hinuhuli agad ang mga reckless at makalat, kaya disiplinado ang mga dumadayo roon.
Sa katagalan, nagiging ugali na ang maging mapagbigay sa daan ay malinis sa kapaligiran. Ang disiplinang ito ay nagbubunsod ng iba pang mabubuting asal: punctual at masipag sa trabaho, matapat at responsable, may prinsipyo, masunurin sa batas at regulasyon, marespeto sa kapwa, at matipid. Nakikita kasi nila na para sa ikabubuti ng bawat indibidwal at ng buong komunidad ang mabuting asal. At dahil doon, pinatatatag nila ang sistema nila para huwag bumalik sa asal hayop.
Walong milyon ang overseas Filipino workers. Karamihan sa kanila ay sa mauunlad na bansa. Sumasabay sila sa gawi ng mga tao sa matatatag na sistema. Naiisip nila kung bakit hindi ganun ang Pilipinas at mga Pilipino. E kasi nga, bulok ang ugali natin sanhi ng bulok na sistema.
Subukan nating baguhin ang sistema. Baguhin din natin ang sarili. Makikita natin na mas mabuti pala ito para sa atin at sa kapwa.
Abangan: Linawin Natin, tuwing Lunes, 11:45 p.m., sa IBC-13.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended