^

PSN Opinyon

Kasaysayang pasalungat

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Marami nang manunulat ang nabuhay at namatay
Sila’y pawang kinilala na pantas at mahuhusay;
Sa panulat nilang hawak matatanto ang dalisay
At magandang guniguni sa isipan at sa buhay!

Sila’y mga manunulat na lagi nang di salungat
Sa takbo ng buhay na tuwina ay kaharap;
Di rin sila gumagawa ng mailap na pangarap
Pagka’t sila’y nabubuhay sa damdaming mapagtapat!

Mga k’wento at istorya na kanilang nalilikha
Kailanman ay di ito nagligaw ng paniwala;
Sinusunod nilang tema ay tumpak lang di masama
Kaya sila’y itinampok at ang iba’y nadambana!

Pero ngayo’y sino itong manunulat na pangahas
Na ang librong dala-dala parang lisya sa matapat?
Inakda n’yang kasaysayan mababasang pasalungat
Sa nagisnang paniwala ng maraming manunulat?

Ah, marahil siya’y taong ang panulat ay pagod na
Kaya ibang paksa naman ang kanyang naipakita;
Kung sa paksang naiisip ay di siya dumakila
Naisipan ay manlaban upang siya’y makilala!

Hindi siya nasiyahan sa takbo ng panulatan
Kaya siya ay nagbago ng damdamin at isipan;
Ang tumpak ay iminali — binaluktot ang katwiran
Binago n’ya ang estilo at maraming kinalaban!

Sa pagbanat niyang ito ay maraming nagtataka
Tinuklas ang sinasabing sa k’wento n’ya’y kakaiba;
Libro niya’y isinalin sa mahabang pelikula
Kaya itong manunulat sa inasal ay masaya!

Sa tapatang paglilimi ang k’wento ng manunulat
Kathang-isip lamang pala — hindi siya naging tapat
Tayo namang nagbabasa’t nanood pa ng palabas
Nalansi ang paniwala’t tayo’y naging mga ungas!

vuukle comment

BINAGO

INAKDA

KAILANMAN

KATHANG

KAYA

LIBRO

MANUNULAT

MARAMI

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with