^

PSN Opinyon

Buhay na buhay ang jueteng sa probinsiya ni Magsaysay

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
DAPAT burahin ni Zambales Gov. Vic Magsaysay sa isipan ng taumbayan ang kumakalat na balita na siya mismo ang financier ng jueteng sa kanyang probinsiya. Malapit na kasi ang election at tiyak, maaapektuhan ang tsansa ni Magsaysay sa pulitika kapag hindi kaagad siya kumilos sa problemang ito. Kaya ang dapat, iutos ni Magsaysay na ipasara ang jueteng sa kanyang probinsiya para maniwala ang sambayanan na hindi nga siya konektado sa jueteng ni Peping Beldan. Kung hindi kayang ipasara ni Magsaysay ang jueteng sa kanyang lugar, aba wala na akong malalapitan sa problemang ’yan.

Kasi nga maging si PNP chief Diir. Gen. Arturo Lomibao ay wala ring silbi kung jueteng ang pag-uusapan. Mas inuuna kasi ni Lomibao sa ngayon ang kanyang extension kaysa bigyan pansin ang naglilipanang jueteng sa bansa. Si Lomibao ay magreretiro na sa Hulyo 5 at mukhang ayaw niyang umalis sa puwesto para mabawi ang nawala sa bulsa niya sa jueteng, he-he-he! Ano pa ba ang bago sa balitang ’yan, di ba mga suki?

Pero may balita rin ako na ang bangka ng jueteng sa Zambales ay sina Augusto ‘‘Aging’’ Lisan at si Tony Ong. Di ba si Aging Lisan ay nakidnap ng tatlong armadong kalalakihan sa harap ng kanyang bahay sa Navotas noong nakaraang linggo? Baka may kinalaman ang pagkidnap ni Aging Lisan sa jueteng operations niya sa Zambales? si Tony Ong naman ay bangka rin ng jueteng sa Bicol.

Kung si Aging Lisan ay nakidnap, aba may pinasabog naman sa harap ng bahay ni Bong Pineda sa Pampanga. Ano ba itong nangyayari sa ating bansa sa ilalim ng liderato ni Lomibao sa PNP? Hindi kaya may nagmamadali lang na pumalit kay Lomibao? Kasi nga high profile itong pagkidnap kay Aging Lasin at ang pag- bomba sa bahay ni Pineda at tiyak mapapansin ito ng sambayanan, maging ang Palasyo. May gustong sumira sa liderato ni Lomibao?

Para sa kaalaman ni Magsaysay at Lomibao, buhay na buhay ang jueteng sa Zambales sa mga bayan ng Subic, Castille-jos, San Marcelino, San Antonio, San Narciso, San Felipe, Cabangan, Botolan, Iba, Palawig, Masinloc, Candelaria at Sta. Cruz.

Inaalam pa ng mga suki ko kung magkano ang kubransa araw-arw ng jueteng sa probinsiya ni Magsaysay.

Ang kumidnap kay Aging Lisan ay na-monitor na tumakas papuntang Central Luzon sakay sa isang puting Mitsubishi Adventure. Hindi kaya sa Zambales ito tumungo? Baka may tumama sa jueteng at hindi nabayaran? Puwede, di ba mga suki? Kaya kung masaya si Central Luzon director chief Supt. Ismael Rafanan bunga sa naglilipanang jueteng sa kanyang lugar, may posibilidad pa na masibak siya bunga sa kaso ni Aging Lisan at sa pagbomba sa bahay ni Pineda. Tiyak, marami ang nag-aabang sa puwesto ni Rafanan, di ba mga suki?

Maliban kasi kay Peping Beldan, nandiyan rin si Bebot Roxas sa Tarlac na hindi rin nagagalaw ng mga bataan ni Rafanan. Ang palaging kausap pala ng bataan ni Rafanan ukol sa lingguhang intelihensiya ay si Mundong Roxas na kapatid ni Bebot. Hindi naman nagtataka ang mga suki ko kung bakit patuloy ang operation nina Beldan at Roxas dahil nakabukas ang mga palad ng kapulisan. At sa tingin ng mga kausap ko sa MPD, hindi pa alam ni Lomibao na bukas na ang jueteng sa bansa. Pero tiyak alam ’yan ni Col. Pat Hernandez, di ba Sir? Abangan!

AGING LISAN

CENTRAL LUZON

JUETENG

LOMIBAO

MAGSAYSAY

PEPING BELDAN

RAFANAN

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with