^

PSN Opinyon

Kinausap ko ang Diyos at ang dagat

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Sa pangalwang araw namin sa Pagudpud,
Maagang nagising kahi’t ako’y pagod;
Ang mga kasama’y himbing pa ang tulog
Ako’y nagbangon na’t saka naghilamos!

Magmula sa hotel naming tinuluyan
Ako ay nagtungo sa dalampasigan
Sa puting-buhanging di inaalunan
Ako’y nag-ersisyo na nag-iisa lang!

At saka nag-jogging sa puting buhangin
Sa saliw ng alon at dampi ng hangin;
Dalwang kilometro ang aking na-jogging
Tapos ay huminto at naglakad na rin!

Habang tumataas araw sa silangan
Naging maliwanag ang kapaligiran;
Sa harap ng dagat ay may binitiwang -
Taimtim na dasal : Pampamilya’t bayan!

Sa maalong dagat na aking kaharap,
Ay idinalangin kong maalis sa hirap
Mga Pilipinong hindi makaalpas
Sa kuko ng mga taong asal-hudas!

Idinalangin ko rin ang aking pamilya
Na sana’y ganito na laging masaya;
Ang mga anak ko’y pawang kumikita
At ang mga apo’y nangag-aaral na!

Ang asul na dagat tubig na kay linaw
Kinakausap ko sa bawa’t paggalaw
Ng katawa’t pang lagi nang karamay
Sa mga pagkatha ng tulang may buhay!

Salamat salamat sa Diyos at dagat
Sa oras na iyon ay aking kaharap;
Dagat huwag ka sanang lumaki’t umakyat
At maging tsunami sa aming magdamag!

DAGAT

DALWANG

DIYOS

HABANG

IDINALANGIN

KINAKAUSAP

MAAGANG

MAGMULA

MGA PILIPINONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with