Naka-balatkayo kontra Cha-cha
May 26, 2006 | 12:00am
SINISIKAP sa Charter change ang repormang ekonomiya na wawakas sa karalitaan ng isa sa bawat tatlong Pilipino at gutom ng 2.8 milyon pamilya. Pero may mga lihim na sumisira sa Cha-cha, pinalalabas na pakana lang para panatilihin ang mga kongresista o paghiwalayin ang Republika.
Ani Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonino, ang mga nananabotaheng ito ay mga naka-balatkayong dummies ng mga tiwaling foreign investors. May P15 milyong pambanat sa ads ang dummies, ani Antonino, at nag-down payment na ng P5 milyon sa isang PR firm. Takot daw ang dummies na alisin ang hadlang ng 1987 Constitution sa mabubuting investors, dahil hindi na sila mauupahan bilang ilegal na fronts. Sinisiraan nila ang Cha-cha upang mapanatili ang ilegal na kita.
Pinatutsadahan ni Antonino ang isang "lawyer-officer" ng Makati Business Club, na dummy din ng isang pumalpak na airport project, bilang isa sa mga nananabotahe sa Cha-cha.
Ang unang pumasok sa isip ko ay si Ricardo Romulo, chairman at kaisa-isang abogadong officer ng MBC. Maaalalang siya ang namuno sa ilang officer ng MBC na pababain si Presidente Gloria Arroyo nung Hulyo 2005. Sagot noon ni Arroyo na si Romulo ay abogado ng Piatco sa ilegal na kontrata sa NAIA-3. Ang Fraport ng Germany ang ilegal na mayoryang may-ari ng Piatco. Ayon sa paper trail, nagtayo ang law firm ni Romulo ng dalawang money laundering firms ng Piatco na ginamit ni Alfonso Liongson para manuhol ng mga opisyales nung termino ni Fidel Ramos, Joseph Estrada at Arroyo.
Tila si Romulo nga ang tinutukoy. Pero ayoko mani-wala na kontra siya sa Cha-cha. Kasapi kasi siya sa Preparatory Commission on Charter Review sa ilalim na pinamunuan ni retired Chief Justice Andres Narvasa nung 1999 (panahon ni Erap). Sinulong nilang buksan ang ekonomiya sa investors, tulad ng sinusulong ngayon sa Cha-cha.
Pero kunsabagay, isa rin si Romulo sa mga MBC leaders na nung 2000 ay namuno sa pagpapatalsik kay Erap. Sanay sa ahasan, kumbaga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am