Iligtas ang Biak na Bato!
May 21, 2006 | 12:00am
MAKASAYSAYAN ang Biak na Bato sa Bulacan. Nagsilbing kuta ito ng mga Katipunero at dito iprinoklama ang kauna-unahang Republika ng Pilipinas.
Sa ngayon nakalulungkot isipin na ang historical landmark na ito ay nanganganib dahil sa walang patumanggang quarying na nag-ugat sa awayan ng mga pulitiko sa Bulacan at mga grupo na may kanya-kanyang sariling interes. Dahil nga sa pagku-quarry kaya halos makalbo na ang bundok at pinangangambahan na itoy humantong din sa kalunos-lunos na Leyte landslide tragedy. Ayon sa mga residente na malapit sa bundok ang walang tigil na quarying ay magiging dahilan ng landslide. Pati na ang tubig na nanggagaling sa bukal ay mako-kontamina na rin ng ibat ibang kemikal.
Ayon sa impormante ng BANTAY KAPWA dahil sa magkakatunggaling grupo kaya walang hakbang na nagagawa para mahinto ang mistulang panggagahasang ito ng kalikasan.
Sa puntong ito ay nananawagan ang BANTAY KAPWA sa mga concerned citizens at kina Environ- ment Sec. Angelo Reyes, Bulacan Gov. Josie dela Cruz at iba pang opisyales ng Bulacan na gumawa ng aksyon para maisalba ang Biak na Bato.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest