^

PSN Opinyon

Eleksiyon sa NPC tapos na, lahat ng candidates nanalo

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAIRAOS din sa wakas ang 2006 National Press Club election noong Sunday, masaya pero madrama dahil walang natalo, lahat ng kumandidato ay nanalo.

Sabi nga, masaya sana pero ang problema, sino ang legitimate winners.

Dalawa kasi ang political panty, este mali, party pala ang naglaban sa NPC, ang partido ng Press Freedom Party at Reform Party.

Ang Press Freedom Party ay binubuo nina Roy Mabasa, Prez; Benny Antiporda, Vice-Prez; Louie Logarta, Secretary; Amor Virata, Treasurer; Jun Cobarrubias, Auditor.

Ang mga Directors ay sina Jerry S. Yap, Joey Venancio, Sammy Julian, Alvin Feliciano, Rolly Gonzalo, William Depasupil, Joel Egco, Ding Generoso, Dennis Fetalino at Boy Togonon.

Samantala, ang Reform Party ay sina Alice Reyes, Roman Floresca, Lilibeth Ison, Jimmy Cheng, Ariel Borlongan, Domeng Landicho, Ellen Fernando, Bhaby See, Bobby Coles, Belen Gonong, Gabby Mabutas, Chando Morallos, Benjie Murillo, Lysander Garcia, Vic Felipe.

Nakangiti lahat sila noong Sunday night after the counting dahil sa paniwala nila, silang lahat ng kandidato ay winners.

You read it right, panalo silang lahat, walang natalo.

Sabi nga, walang natalo, puro panalo.

Dalawa kasi ang naging lugar ng eleksiyon noong Sunday; sa itaas at sa ibaba ng NPC ang bawat mediaman na naniniwala sa partido ay sa kani-kanilang balwarte bumoboto.

Sinasabing pinaka-controversial ang 2006 NPC election. Sangkatutak ang nalito at naguluhan sa mga voters.

Pero may kani-kanyang paniniwala sila!

"Masaya pala ang eleksiyon sa NPC, walang natatalo lahat panalo," sabi ng kuwagong flying voters.

"Tumpak ka kamote."

"Sino ngayon ang NPC Prez, officials at board?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Iyan kamote ang pag-uusapan pa."

ALICE REYES

ALVIN FELICIANO

AMOR VIRATA

ANG PRESS FREEDOM PARTY

ARIEL BORLONGAN

BELEN GONONG

BENJIE MURILLO

BENNY ANTIPORDA

REFORM PARTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with