EDITORYAL - Paglobo ng populasyon bigyang prayoridad
May 7, 2006 | 12:00am
ANG populasyon ng Pilipinas ay tinatayang nasa 87,857,473 na at patuloy pa sa pagdami. Parang may pabrika ng bata sa Pilipinas. At sa nangyayaring ito, walang epektibong hakbang na ginagawa ang pamahalaan kung paano mapipigilan ang pagdami. Tila hindi na nasusunod ang tungkulin ng pamahalaan na i-educate ang taumbayan tungkol sa mga dapat gawin para maiplano ang pamilya.
Kapag hindi napigil ang paglobo ng populasyon, hindi na makaaahon sa kahirapan ang bansa. Lalo pa ngayong may oil crisis na ang apektado ay ang mga bansang mahihirap na kabilang ang Pilipinas. Paano pa kung hindi na matapos ang krisis sa langis at patuloy pa rin sa pagdami ang mga Pinoys. Saan pupulutin ang bansang ito? Kung patuloy ang kahirapan, tiyak na uusbong ang krimen. Maraming problema at walang ibang papasan kundi ang pamahalaan mismo. Balewala ang pagsisikap ng mga namumuno na mapaunlad ang bansa kung hindi naman nila bibigyang pansin ang paglobo ng populasyon.
Ang pangamba na hindi na makaaahon sa kahirapan ang Pilipinas ang naging paksa ng pulong ng mga miyembro ng United Nations Population Fund (UNPF) noong nakaraang Martes. Sinabi ni Dr. Zahidul Huque, UNPF representative sa Pilipinas, na hanggat hindi nagkakaroon ng epektibong pagkontrol sa pagdami ng populasyon ang Pilipinas, magpapatuloy ang kahirapan. Isang nararapat gawin ng gobyerno para mapigilan ang pagdami ay maturuan ang mamamayan sa iba pang paraan ng pagpaplano ng pamilya. Ipinagdiinan ni Huque ang kahalagahan ng reproductive health issues na isang magandang paraan para matamo ang kaunlaran. Hindi raw basta kaunlaran ang makakamit dito kundi kaunlarang pagmatagalan.
Tularan daw ng Pilipinas ang Brazil na sa maikling panahon ay na-managed ang pagdami ng mga tao. Maging ang iba pang bansa sa Asia ay ginaya ang Brazi at epektibong nakontrol ang pagdami ng kanilang populasyon. Ganito raw ang dapat gawin ng Pilipinas. Dapat aksiyunan ang pagdami ng populasyon at maging prayoridad.
Lalo pang malulubog sa kahirapan ang bansa kung patuloy ang pagdami. Nararapat na hindi lamang natural na pamamaraan ang ituro kundi pati na rin ang iba pang makatutulong para hindi lumobo ang mga Pilipino. Wala namang ibang mahihirapan kundi ang gobyerno na rin kung hindi malulunasan ang population explosion. Iprayoridad ang pagkontrol sa pabrika ng mga bata.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest