All points bulletin para sa impostor ng BITAG!
April 21, 2006 | 12:00am
PINAPAGANA ngayon ng Bahala si Tulfo at BITAG ang aming All Points Bulletin laban sa isang putok sa buhong nagpapanggap na miyembro ng aming grupo.
Tumawag sa BITAG ang Makati Public Safety (MAPSA) ng Towing Section upang alamin kung meron bang operasyon ang aming grupo sa lugar ng Makati.
Isang Italian Van na may plate number XDA 113 na-tow daw ng kanilang grupo at agad rumesponde ang may-ari na to na nagngangalang RONALD DE GUZMAN.
Ayon sa MAPSA, kinasuhan nila ng illegal parking at pinagbayad ang impostor na ito matapos mahuli ang kanyang sasakyan na iligal na naka-parke sa Urban Street, Makati City.
Ang siste, pinakitaan ang mga ito ng isang ID na nagpapakilalang isa siyang staff ng BITAG at nagyabang na may isinasagawang operasyon ang grupo sa mismong lugar kung kayat naroon ang kanyang sasakyan.
Para sa kaalaman ng lahat, HINDI MIYEMBRO NG BITAG ang kumag na si Ronald de Guzman. Ni hindi siya empleyado ng aming kompanya. Uulitin ko pa, HINDI SIYA KONEKTADO sa BITAG!
Hindi namin estilo na ipangalandakan kung kamiy may tinatrabaho dahil tahimik at walang oras kung kamiy kumilos. Alam ng BITAG na ginagamit ng mga nagbabalatkayong nilalang ang aming pangalan upang silay katakutan dahil iginagalang at inirerespeto ang grupo ng BITAG.
Kung kayat nagkalat na ngayon ang mga impostor, putok sa buho at bastardong mapagpanggap upang gamitin sa katarantaduhan at panlalamang sa kapwa ang aming grupo.
Babala! Maaaring nakakasabay nyo ang sasakyan na ito sa daan o sa pag-paparke man, maaari rin kayong magulangan nito sa pamamagitan ng pagpapakilala na siyay tauhan ng BITAG.
Kayat sa pamamagitan ng kolum na ito, isang panawagan ng BITAG sa lahat, kung sino man ang nakakakilala o di kayay nakakakita at nakakausap sa taong ito, ipagbigay-alam agad sa aming tanggapan.
Kasalukuyang inaalam ng BITAG sa tulong ng MAPSA ang kinaroroonan ng mapaglinlang na ito.
Kaya sayo, alyas RONALD DE GUZMAN, wala kaming pakialam kung manghiram ka man ng mukha ngayon sa aso dahil sisiguraduhin ko sayo na liliit ang mundong ginagalawan mo.
Sige lang ituloy mo lang ang katarantaduhan mo at malapit nang magkrus ang mga landas natin. Uulitin ko ALL POINTS BULLETIN ng BITAG at Bahala Si Tulfo laban sa impostor na si Ronald de Guzman at ang kanyang sasakyan na ITALIAN VAN XDA 113!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am