^

PSN Opinyon

SSS Del Monte branch, super linis!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MAGAGALANG at makatao ang mga empleado ni Ped de Chavez, SSS Del Monte branch sa QC. Ika nga, hindi mga bastos!

Masarap at magandang mga kausap ang mga empleado todits kahit na ang mga security guards ay disiplinado. Sabi nga, mga public servants talaga.

Bibihira ngayon sa mga government agencies ang talagang nagbibigay ng serbisyo ng taos-puso sa mga mamamayan. Siyempre, isama ko ang super linis na office nila kahit ang toilet super bango.

Ano kaya ang sikreto ni Ped sa kanyang mga employees? Ang SSS Del Monte branch pala ang topnotcher pagdating sa collection sa buong Pinas. Galing mo Ped!

Hindi ako ang public relation officer ni Ped pero nakita ng dalawang mata at naamoy din ng mga kuwago ng ORA MISMO ang nasabing office nang magpunta ang mga ito todits. Halos madapa ang mga security guards sa pagsalubong at pagbukas ng pinto sa kanilang mga clients. Sabi nga, serbisyo militar!

Kung gusto ninyong tiktikan ang office na ito para malaman ang katotohanan, puntahan n’yo para makita at maramdaman ang ikinukuwento ng mga kuwago ng ORA MISMO.

Hindi suplado at suplada ang mga boys and girls na employees, nakangiti sila sa kanilang mga customers kaya kapag umalis ang huli sa tanggapan, para siyang nabunutan ng tinik lalo’t naayos ang kanyang mga papeles.

Basta kumpleto ang requirement, mabilis pa sa kidlat ang mga empleado todits, ayaw na kasi nilang pabalikin pa ang kanilang mga customers basta kayang tapusin. Iba si Ped!

"Baka naman pambobola lang ang sinasabi ng mga kuwago ng ORA MISMO tungkol sa SSS Del Monte branch, anang kuwagong hilong talelong.

"Para makita mo, ikaw ang pumunta at obserbahan ang sinasabi namin," sagot ng kuwagong SSS member.

"Kung ganoon kamote, tara na!"

vuukle comment

ANO

BIBIHIRA

CHAVEZ

DEL MONTE

IKA

MASARAP

PED

SABI

SIYEMPRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with