Kalentong, perwisyo sa traffic
April 11, 2006 | 12:00am
GRABE as in grabe ang traffic sa Kalentong St., Mandaluyong City. Wala pa rin pala itong pagbabago kahit siyudad na. Naalis lang ang punto ng mga tao kapag nagsasalita sila. Ika nga, matatas nang managalog.
Kabilang kasi ang Mandaluyong sa Rizal province noong araw at natira rin sa Kalentong ang Chief Kuwago noong bata pa ako.
Sa tingin ng mga kuwago ng ORA MISMO, parang dehins na nagbabaha sa Kalentong noon kasi halos hanggang baywang ang tubig-baha dito kapag may malakas na storm. Sementado at tumaas ang kalye kaya siguro ganoon.
Thank you sa mga dating government officials todits at medyo gumanda ang Kalentong St. Pero ang observation ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Kalentong St. ay halos wala pa ring discipline ang ilang kamote todits kahit siyudad na toits. Malala pa rin ang traffic katulad pa rin noong araw.
Noon kasi, maliit pa ang kalye sa Kalentong pero ngayong medyo lumaki nang kaunti at gumanda pa ito kaya lang alaws pa ring disiplina ang mga drivers todits. Nakabalandra ang mga pampasaherong dyipni from Kalentong St. corner Shaw Boulevard hanggang sa paanan ng Lambingan Bridge. Wala silang pakialam sa ibang motoristang dumadaan dito.
Terible pa rin ang gitgitan sa may Gabbys dahil sa mga buwayang driver ng dyipni. Sabi nga, wala sa ayos!
Sa magkabilang bangketa nakaparada ang mga sasakyan todits, partikular ang mga pampasaherong dyipni. May ginagawa ba ang mga traffic enforcers tungkol sa sistema ng trapiko sa kahabaan ng Kalentong St.? Ano kaya ang masasabi ni Mandaluyong City Mayor Boyet Gonzales todits?
National road kasi ang Kalentong St., lahat ng sasakyan na gustong magpunta ng Manila alternate route ang nasabing lugar at lahat naman ng sasakyan na gustong magpunta sa San Juan, Sta. Mesa o Pasig puwede ring magdaan todits. May nabago ba sa Kalentong St.?
Sa nakita ng mga kuwago ng ORA MISMO, may pagbabago namang nangyari todits dahil nagkaroon ng mall, air-conditioned movie houses, dumami ang pawnshop, gumanda ang mga kabahayan. Ika nga, yon lang!
"Sana huwag magalit sa mga kuwago ng ORA MISMO ang ilang mga tinamaan sa kuwento natin," anang kuwagong sabungero.
"Ang tamaan ay huwag magalit!" sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"May ginagawa ba ang mga traffic enforcers sa Kalentong St.?" tanong ng kuwagong Kotong cop.
"Iyan ang itanong natin sa mga dumadaan sa Kalentong, kamote."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am