^

PSN Opinyon

Kaya kayang banggain ni Gen. Versoza ang grupo ni Val Adriano?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAY katwirang balewalain ng gambling lord na si Val Adriano ang pagbubulgar ko sa kanyang mga butas ng karera sa Maynila. Ayon kay Adriano, kumpleto rekado naman ang lingguhang intelihensiya niya kaya’t wala siyang ikabahala. Mamaos man daw ako sa kasisigaw ng mga puwesto niya, ani Adriano, ay wala namang kikilos sa mga kapulisan dahil kumpleto ang pakikisama niya. Dagdagan pa raw nitong impluwensiya ng mga kasosyo niyang sina Arnold Sandoval at Noel de Castro, na gumagasgas ng pangalan ni NCRPO chief Dir. Vidal Querol at tiyak mangingilag ang kapulisan laban sa kanya. Kasi nga kapag may kumukulit na mga pulis kay Adriano, tiyak na gaganti para sa kanya ay sina Sandoval at de Castro. Hindi lang ’yan? Nandiyan din sa tabi ni Adriano si Tony Bangit na taga-ayos naman ng problema niya sa sa Manila Police District (MPD). Si Bangit kasi ay ka-batch ng isang mataas na opisyal ng MPD kung saan palaging pinakikiusapan niya na luwagan si Adriano para naman may maipasok siya sa kanyang bulsa. He-he-he! Kaya kayang banggain ni CIDG director Chief Superintendent Jesus Versoza ang gusto ni Val Adriano?

Kung sabagay, hindi lang dapat si Adriano ang habulin ni Versoza. Isama na ni Versoza sa listahan niya sina alyas Ampy at Lito de Guzman na mga kasosyo rin ni Adriano para matigil na ang pagyayabang nila. Karamihan pala sa puwesto ni Adriano ay naagaw lang ng tropa niya kina Tom Sacueza o Boy Razon sa Maynila at kay Danny Estanislao sa Caloocan City. Siyempre, malaking papel ang ginampanan dito ng mga bata ni Querol na sina Sandoval at de Castro. At bilang premyo, may sariling puwesto o butas ng karera sina Sandoval at De Castro na karamihan ay matatagpuan sa Tondo at sa Sampaloc. Sa pagsalubong ng kilay ni Gen. Versoza, tiyak tatamaan ng kidlat ang grupo ni Val Adriano na naghahari rin sa southern Metro Manila.

Para magiyahan si Gen. Versoza, narito ang ilan lang sa mga puwesto ni Val Adriano sa Maynila. Sa 116 Batanes at G. Tuazon o Romblon St., at sa 572 Miguelin St. sa Sampaloc; sa 1186 Morong St., sa kanto ng Limay at Bagac Sts. sa Tondo; sa 1927 M. Orosa St., corner San Andres at Remedios Sts. sa Malate, at sa 3131 C. Nagtahan cor. A. V. Tan sa ilalim ng tulay sa Sta. Mesa. Sa Sta. Cruz ang mga puwesto ni Adriano ay matatagpuan sa 1629 Sulu St. sa Alvarez at Quiricada; sa 2421 Kalimbas St.; 2137 Rizal Ave.; 2131 A. Anacleto St. sa gitna ng Batangas at Yuseco Sts.; 1431 Laon Laan St., sa kanto ng Concepcion at San Antonio Sts.; sa 1572 sa kanto ng Alvarez St., at Rizal Ave.; sa 1240 Remigio St. cor. Oroquieta St.; 1324 Oroquieta St. cor. Remigio St.; 1442 Hizon St., cor. Alvarez St. at sa 1724 Nativadad St., cor. Malabon St. Puwede ng panimulang trabahuhin ito ni Gen. Versoza, di ba mga suki?

Ayon naman sa mga kausap ko sa MPD, mukhang natuto na sa buhay si Adriano. Noon kasi, kuntodo ang mga alahas na nakasabit sa kanya, subalit nitong mga nakaraang araw eh hindi na siya nakitaan ng mga ito. Maraming beses na ring naaresto ng kapulisan si Adriano subalit kung gaano kabilis siya nadala sa pre-sinto, ganun din kabilis siya napapalaya. Si Gen. Versoza na kaya ang kasagutan sa tropa ni Adriano? Abangan!

ADRIANO

ALVAREZ ST.

MAYNILA

OROQUIETA ST.

REMIGIO ST.

RIZAL AVE

SANDOVAL

VAL ADRIANO

VERSOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with