^

PSN Opinyon

Walang karapatan ang tagapagmana na kuwestiyunin ang magpapamana

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
(Unang Bahagi)
DALAWANG ulit na nagpakasal si Don Julio. Ang una ay kay Ana kung saan nagkaroon siya ng dalawang anak, sina Pina at Elmo. Nang mamatay si Ana, pinakasalan naman niya si Mila at nagkaroon sila ng apat na anak na sina Mely, Tino, Donna at Tony. Nagsampa si Pina ng aksyon sa korte para sa partisyon o paghahati-hati ng mga ari-arian at danyos laban kay Don Julio, sa kapatid niyang si Elmo. Namagitan sa kaso si Mila at sa mga anak nito. Nalutas naman ang kasong ito nang magkaroon ng compromise agreement (CA) ang mga partido at kung saan nakasaad na ang isang hacienda ay dineklarang pag-aari ni Don Julio at ng kanyang dalawang anak sa una niyang asawa na sina Pina at Elmo. Hindi ito maaring paghati-hatian hangga’t nabubuhay pa si Don Julio. Binigyan din nang iba pang mga ari-arian sina Pina at Elmo kasama ang isang electric plant, sinehan, mga komersyal na lugar at ang bahay kung saan naninirahan si Don Julio. Ang ibang ari-arian ni Don Julio ay maiiwan sa kanyang pag-aari at ayon sa compromise agreement ito’y mapupunta kay Mila at sa kanyang apat na menor de edad na mga anak na sina Mely, Tino, Donna at Tony. Inaprubahan ng Korte ang compromise agreement noong January 31, 1964.

Isa sa mga pag-aari na naiwan kay Don Julio ay ang parsela ng lupang may sukat na 954 sq. m. (lot 63) sa ilalim ng OCT No. 5203. Matapos maisakatuparan ang compromise agreement, agad na inangkin ni Mila at nang kanyang mga anak ang nasabing lupa. Ngunit noong November 16, 1972 gumawa ng Deed of Assignment of Assets and Assumption of Liabilities pabor sa JLT Agro. Inc. sina Don Julio, Pina at Elmo. Ang JLT ay isang korporasyong pag-aari ni Don Julio kung saan siya ang presidente at si Pina naman ang ingat-yaman. Dahil dito, nailipat lahat ng kanilang ari-arian at pananagutan (assets and liabilities) sa JLT. Noong July 31, 1973 gumawa naman sila ng Supplemental Deed sa naunang Deed of Assignment kung saan ang pag-aari ng lot 63 ay inilipat sa JLT. Namatay si Don Julio noong April 14, 1974. Samantala, sa parehong taon din, pumasok sa isang kontratang pagpapa-upa ng lot 63 sina Mila at ang kanyang mga anak pabor sa mag-asawang Banaag kung saan nagtayo ang mag-asawang Banaag ng pansamantalang tirahan at lumber yard. Sa kabilang dako, nakakuha ang JLT ng TCT No. T-375 sa nasabing lupa noong November 12, 1974 lingid sa kaalaman nila Mila. Ito’y nakuha nila hindi dahil sa supplemental agreement kung hindi dahil sa utos ng korte ng panibagong titulo para sa nasabing lupa dahil ang OCT 5203 ay nawala kaya ito’y kinansela at pinalitan.

(Itutuloy)

ANAK

BANAAG

DEED OF ASSIGNMENT

DEED OF ASSIGNMENT OF ASSETS AND ASSUMPTION OF LIABILITIES

DON

DON JULIO

ELMO

JULIO

KUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with