Ang tamang pag-aayuno
March 12, 2006 | 12:00am
NASA panahon tayo ng Kuwaresma. At tayoy hinihikayat na mag-ayuno bilang pakikiisa sa mga pasakit ni Jesus, lalot higit upang pagsisihan ang ating mga kasalanan.
Basahin ang Isaias. 58:1-10 na tungkol sa tumpak na pag-aayuno.
Sinabi ni Yahweh, "Ikaw ay sumigaw nang ubos-lakas, ang sala ng bayan ko sa kanilay ihayag. Sinasamba ako, kunway hinahanap, sinusundan-sundan, parang natutuwang ang kalooban koy kanilang malaman; ibig palabasin na ang gawain nila ay matuwid, at hindi lumilihis sa mga tuntuning aking ibinigay. Wariy natutuwang sa akiy sumamba, at ang hinihingiy hatol na matuwid."
Ang tanong ng mga tao, "Bakit ang pag-aayuno natiy di pansin ni Yahweh? Nagugutom lang tayo ngunit walang kabuluhan."
Ang sagot ni Yahweh, "Pansariling kapakanan pa rin ang pangunahing layunin sa pag-aayuno, habang nag-aayunoy patuloy na inaapi ang mahihirap. Ang pag-aayuno ninyoy humahantong lamang sa alitan hanggang kayu-kayoy nag-aaway-away. Kung ang pag-aayunong ginagawa ninyo ay gayon din lamang, ang inyong pagtawag ay tiyak hindi ko pakikinggan. Sa inyong pag-aayuno pinahihirapan ninyo ang inyong sarili. Yumuyuko kayong parang damong hinihipan ng hangin. Nagdaramit kayo ng sako at nahihiga sa abo. Pag-aayuno ba iyan? Akala ba ninyoy nasisiyahan ako riyan?
"Ito ang gusto kong gawin ninyo: Tigilan na ninyo ang pang-aalipin; sa halip ay pairalin ang katarungan; ang mga apiy palayain ninyo at tulungan. Ang mga nagugutom ay inyong pakanin, patuluyin sa inyong tahanan ang walang tirahan. Yaong mga tao na halos hubad na ay inyong paramtan, ang inyong pagtulong sa mga kasama ay huwag tatalikdan. At kung magkagayon, matutulad kayo sa bukang-liwayway, hindi maglalaot gagaling ang inyong sugat sa katawan, akoy laging sasainyo, ililigtas kayo at iingatan kahit saang lugar. Sa araw na iyon, diringgin ni Yahweh ang dalangin ninyo, pagkayoy tumawag akoy tutugon agad. Kung titigilan ninyo ang pang-aalipin at pagsuway sa akin, at ang masamang salitay iiwasan, kung ang nagugutom ay pakakanin ninyo at tutulungan, ang kadilimang bumabalot sa inyo ay magiging tila liwanag sa katanghalian."
Karagdagan sa mataimtin na pananalangin, kailangan ng ating bayan ngayon ang tunay na pag-aayuno.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest