Presintong walang pulis sa Bgy. Mayamot, Antipolo City
March 1, 2006 | 12:00am
SA di inaasahang pagkakataon, habang nasa kalagitnaan ang BITAG ng isang survey operation, naaktuhan namin ang isang presintong walang laman sa Antipolo City.
Kasalukuyang nangangalap ng impormasyon noon ang grupo ng BITAG sa ibat ibang police station nang makatakaw ng aming pansin ang presinto sa Bgy. Mayamot, Antipolo City.
Kakaiba ang napuna namin sa presintong ito dahil; Una, katabing-katabi ito ng isang videoke bar na sa kalaliman ng gabiy walang humpay ang ingay.
Pangalawa, ang presintong nasabi ay tinitirahan ng isang barangay pulis daw kasama ang kanyang pamilya.
Huling-huli pa namin sa akto na bising-busy ang pamilya na ito sa pagluluto.
Pangatlo, nang usisain namin ang blotter book ng istasyong itoy taong 2005 pa ng Disyembre ang huling naka-rekord.
Pang-apat, ang mga memo o orders na nakapaskil sa kanilang corkbooard ay panahon pa yata nung namumuno pa si Joe Pring dahil nangangapal na sa alikabok at kinakain na ng insekto ang mga ito.
At ang pinakamatindi sa lahat na talagang pinagkaiba nitong presinto na to, walang pulis!
Malinaw na malinaw sa aming mga mata at huling-huli ng aming camera ang maliwanag na karatula nito sa labas na POLICE COMMUNITY PRECINCT 1.
Sino pa ba ang dapat naming hanapin sa loob maliban sa mga pulis? Alangan namang mga pipitsuging barangay pilatos lang ang humarap sa amin.
Kailan pa naging home sweet home ang isang presinto? Pano na lamang kung may emergency at kinakailangan ng mabilisang responde sa lugar?
Sa pagkakaalam ng BITAG, kaya itinalaga ang mga ganitong presinto ay para sa peace and order ng isang lugar.
At sa katanungan ng BITAG sa pulis barangay kung nasaan ang mga TOTOONG PULIS, nanginginig pa ito sa pagsasabing umuwi na po.
Tsk tsk tsk panoorin na lamang nyo sa Sabado sa IBC 13, 9:00 ng gabi sa BITAG ang buong detalye sa kapalpa- kan ng isang presinto na to.
Hindi magsisinungaling ang aming mga camera sa tagpong iyon kayat abangan niyo na lamang ang paggisa ng BITAG sa pobreng pulis barangay na naaktuhan namin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest