Sa mga opisyal ng MPD, basahin nyo ito!
February 27, 2006 | 12:00am
BIBIGYAN ng espasyo ng kolum na to ang reklamo at "tip" na nais iparating sa mga opisyal ng Manila Police District (MPD). Hinggil ito sa umanoy lantarang pangongotong daw ng ilang kapulisan nakatalaga sa naturang distrito.
Partikular na pinakikilos ng kolum na to ang tanggapan ni General Pedro Bulaong ng Manila Police Dis-trict (MPD). Itoy kaugnay sa mga reklamo na nakarating sa BITAG.
Nililinaw ng kolum na to, hindi namin kinukunsinte ang alinmang iligal at nais naming maituwid ang maling gawain ng ating mga awtoridad.
Subalit ayon sa aming tinanggap na tips, lantaran umano ang pangongotong ng ilang pulis partikular itong mga nakatalaga sa Station 3, sa mga illegal vendors na nakapuwesto sa lugar ng Sta. Cruz at Quiapo sa lungsod ng Maynila.
Ibinunyag sa kolum na to, malaking halaga ng salapi ang tinatanggap ng ating mga kapulisan mula sa mga pobreng vendors na ito.
Hindi raw bababa sa P8,000.00 kada linggo ang tinatanggap ng mga tiwaling pulis mula sa mga vendors. Kapag hindi naman umano nakapagbigay ng naturang halaga, bubulabugin ang kanilang mga iligal na paninda.
Ang nabanggit na halaga ay pinag-aambag-ambagan daw ng mga nagtitinda ng mga "pirated VCD" at iba pang tiangge bangketa sa may kahabaan ng Claro M. Recto, Raon at Quezon Boulevard sa Quiapo.
Alam ng kolum na to, ilegal ang pagtitin-da ng mga "pirated CD at VCD". Subalit nakasisiguro kami, hindi sa masusugpo ang isang iligal na gawain kung gagamitan ito ng isa pa ring iligal na gawain.
Binibigyan ng pagkakataon ng kolum na to na kusang kumilos ang mga opisyal ng lungsod ng Maynila at mga opisyal ng MPD. Bago pa man maunahan kayo ng grupo ng BITAG sa aming inihandang pa- tibong.
General Pete Bulaong ng MPD, "GAWA hindi NGAWA" ang aming hinihintay!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest