^

PSN Opinyon

Pagpupulis isa-pribado

SAPOL - Jarius Bondoc -
NU’NG dekada-90 sumikat sina David Osborne at Ted Gaebler dahil sa kakaibang panukala. Anila sa librong Reinventing Government, isa-pribado na raw dapat ang mga serbisyong gobyerno na hindi nito magawang mura o episyente. Halimbawa, anila, maraming estado ang maaksaya sa paglaan ng tubig-inumin o pagtago ng files o pagbantay-dagat. Kaya sa America at Europe, bilang tugon sa kanila, ibinenta sa private firms ang mga prankisa sa tubig, pagpatrolya ng pampang, statistics offices, at land registries.

Dati nang trend ito. Mahigit 200 taon nang isinasa-pribado ng mga gobyerno ang pagpapatakbo ng tren o telegraph services, o paggawa ng gamit panggiyera. Patuloy ang mga hakbangin. Sa Australia, pinauubaya sa pribadong kumpanya ang metro-rail. Sa Japan, isasa-pribado na ang postal services. Sa America, ang pagpupulis sa parks ay sa private security agencies na.

Nakinig din ang Pilipinas. Isina-pribado nu’ng 1996 sa dalawang grupo ang serbisyo ng MWSS. Pribado na rin ang pamamahala sa stock market. Medyo pribado na ang pagtayo ng schoolhouses dahil gumagasta lang ng P150,000 ang Philippine Chamber of Commerce and Industry kada classroom, kumpara sa P350,000 kung DPWH.

Ang pinaka-tagumpay na pagsasa-pribado sa Pilipinas ay ang North Luzon Expressway na hawak ng Manila North Tollways Corp. Mabilis ang biyahe dahil patag ang kalsada. Sa tollgate lusot agad dahil may multa sila kung magsapin nang mahigit sampung kotse. Kung may aksidente saklolo at linis agad ang pinangyarihan. At minumultahan ang overspeeding at reckless drivers.

Inis ang mga abusadong trucker sa MNTC. Sanay kasi sila na hindi sinisita ng pulis sa overloading. Suhol lang. Pero pagpasok nila sa NLEX minumultahan sila nang P1,500-P2,700 kada violation. May batas naman kasi sa taas ng truck para hindi tumumba habang kumakaskas sa kurbada. Tig-13.5 tonelada lang din kada axle para hindi mabalian at makabunggo. Buti na lang at pinatutupad ng MNTC ang batas, di tulad ng mga pulis.

DAVID OSBORNE

MANILA NORTH TOLLWAYS CORP

NORTH LUZON EXPRESSWAY

PHILIPPINE CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

PILIPINAS

PRIBADO

REINVENTING GOVERNMENT

SA AMERICA

SA AUSTRALIA

SA JAPAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with