^

PSN Opinyon

Mga arogante’t hambog na kompanya, di uubra sa BITAG!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
BALANSE at patas kung magtrabaho at kumilos ang BITAG. Kapag may lumapit sa aming nagrereklamo, sinisigurado ng BITAG na makuhanan ng panig ang inirereklamo.

Hindi kami basta nag-aaksaya lamang ng panahon at laway na kausapin kung sinumang barabas na makausap namin sa kabilang linya o sa personal man.

Dahil ang pangunahing pakay ng BITAG ay linawin ang reklamong inilapit sa aming opisina ng inyong mga biktima.

Sasampulan ko lang sa kolum na ito ang Human Resources Manager ng EA Manufacturing Corporation.

Isang BITAG staff ang naatasan kong tumawag sa kanilang tanggapan upang alamin ang problemang inilapit sa amin ng dati nilang empleyado.

Pero arogante, bastos at pilosopo nitong sinasagot ang paglilinaw na ginawa ng BITAG.

Hinamon pa kaming turuan na lang daw ang mga nagrereklamo na magsampa ng kaso sa Department of Labor.

Hindi away ang pakay ng BITAG ng araw na ’yun pero inumpisahan mo kami, pagbibigyan namin ang iyong kagustuhan kung ’yan ang ikaliligaya mo.

Hindi bagay ang posisyong kinauupuan mo ngayon kung ikaw nga ’yun, masyado kang makatwiran gayung baluktot naman ang iyong mga patutsada.

Dahil alam ng BITAG ang salitang KONSIDERASYON at PAGGALANG, bibigyan ka pa namin ng mukha sa pagkakataong ito.

Ayusin n’yo na lang ang gulong namamagitan sa inyong kumpanya at ng mga dati ninyong empleyado.

At babala na rin sa ibang kumpanyang makakaharap ng BITAG, hindi kami marunong makipag-away puwera na lang kung kami ang uumpisahan.

Tatapatan ng BITAG ang mga lengguwaheng kayang palabasin at salitain ng inyong tanggapan!

vuukle comment

AYUSIN

BITAG

DAHIL

DEPARTMENT OF LABOR

HINAMON

HUMAN RESOURCES MANAGER

ISANG

KAPAG

MANUFACTURING CORPORATION

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with