^

PSN Opinyon

"Ang sigang pulis na si PO2 Jessie Caragdag"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
Marami na ang humingi ng tulong sa aming tanggapan ang umano’y mga biniktima ng mga pulis. Mga pulis na dapat sana’y pinoprotektahan ang kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.

Ang istoryang tampok sa araw na ito ay tungkol na naman sa isang pulis na umano’y walang awang pumatay ng isang binatilyo. Ito ang inilapit sa amin ni Julie Ann Cruz ng Tondo, Manila.

Ang biktimang si Randy Boy ay may kapatid na kambal, si Rolly Boy. Ang huli ang una ng biniktima ng suspek na si PO2 Jessie Caragdag. Kapitbahay ito ng biktima at nakatalaga sa Caloocan City Police Station. Pinalo at pinaputukan ng baril ng suspek si Rolly Boy noong ika-15 ng Oktubre 2005.

"Habang tumutugtog ng gitara kasama ang iba pang kaibigan ang kapatid kong si Rolly Boy. Sinita daw sila nitong si PO2 Caragdag at tinanong kung bakit sila nagtipun-tipon at bigla na lamang itinutok ang baril sa kapatid ko," kuwento ni Julie Ann.

Upang makaiwas minabuti na lamang umano ni Rolly Boy na lumayo at umalis subalit ang ginawa ng pulis ay pinalo ito ng baril sa batok. Imbes na magreklamo ay hindi na lamang pinansin ng binata ang pagmamalabis ng pulis na ito.

"Nainis siguro si PO2 Caragdag sa ginawa ng kapatid kong pagtalikod sa kanya kaya hindi pa siya nasiyahan sa ginawa niyang pamamalo ng baril ay pinaputukan naman niya ito," sabi ni Julie Ann.

Sa kabutihang palad naman ay hindi tinamaan si Rolly Boy. Nagsampa ng criminal at administrative case ang pamilya nito laban sa suspek. Mariin na naman itong tinanggi ng pulis.

Kilala umanong mayabang at naghahari-harian sa kanilang lugar ang pulis na ito. Sa dinami-rami ng mga pinerwisyo nito ay tanging ang pamilya Cruz lang ang umalma sa ginagawang pagmamalabis ng pulis na ito.

Dahil dito, naging matindi ang galit ni PO2 Caragdag kay Rolly Boy. Madalas umanong pagbantaang papatayin ito at pati ang buong pamilya nito ay papatayin din nito.

"Kapag may sinisita, sinasampal o sinusuntok ang pulis na ito sa aming lugar ay mga magulang pa ng mga biktima ang humihingi ng paumanhin sa kanya. Natatakot silang magreklamo dahil sa sinasabing malakas ang pulis na ito," pahayag ni Julie Ann.

Ika-16 ng Disyembre 2005 naghahanda noon sa pamamalengke si Randy Boy. Nakasakay ito sa isang tricycle habang ang ina naman nitong si Teresa ay nakatayo sa bandang gilid nito.

Dumaan ang isang owner-type jeep na minamaneho ni PO2 Caragdag. Itinabi ng suspek ang kanyang sasakyan sa tricyle upang hindi makatakbo o mailigtas man lang sarili sa balak nito.

"Kitanag-kita ng nanay ko kung paano binaril ni PO2 Caragdag si Rolly Boy. Pagtapat daw nito sa tricycle walang pakundangan niyang binaril ito sa dibdib," salaysay ni Julie Ann.

Isang tama ng bala ang tinamo ni Randy Boy. Sinikap ng kaanak nitong isugod sa ospital ang biktima subalit binawian na rin ito ng buhay. May mga pulis na rumesponde subalit hindi na umano nahuli pa ang suspek.

"Marami sa mga kapitbahay namin ang nakikita sa naganap na pamamaril ni PO2 Caragdag sa kapatid ko subalit hindi naman sila lahat makapagbigay ng testimonya sa nakita nila. Natatakot silang pagbalingan ng pulis na ito kaya minabuti na lamang ng mga ito na magsawalang-kibo," sabi ni Julie Ann.

Agad ding nagsampa ng kaukulang reklamo ang pamilya ni Randy laban sa pulis. Nasa preliminary investigation pa rin ang kasong ito sa Manila Prosecutor’s Office.

Muli na namang pinabulaanan ni PO2 Caragdag ang reklamo sa laban sa kanya. Mariin ang pagtanggi niya at sinasabi nitong inaawat lamang niya ang grupo ng mga kabataang nag-iinuman sa daan.

"Walang katotohanan na nakikipag-inuman ang kapatid ko noong binaril niya. Nagte-text lang ang kapatid ko ng binaril niya ito. Hindi rin totoong may baril ang kapatid ko kaya ipinatanggol niya ang kanyang sarili kaya niya ito nabaril," pahayag ni Julie Ann.

Sinabi pa ni Julie Ann na walang anumang criminal record ang napaslang niyang kapatid. Kinakatwiran niya na matindi ang galit sa kanila ng pulis na ito dahil sa kanilang hakbang na pagrereklamo matapos nitong paluin ng baril sa batok ang kakambal ng napatay na kapatid.

"Hindi kami tinitigilan ni PO2 Caragdag sa pagbabanta niya. Hindi lamang kami ang inabuso ng pulis na ito. May binaril din siya pero hindi nagawang magreklamo dahil sa takot sa kanya. Hustisya ang hangad namin sa nangyari sa mga kapatid ko. Dapat lang na pagbayaran niya ang ginawa niya," paliwanag ni Julie Ann.

Nangako si Justice Secretary Raul Gonzalez sa aming programang "Hustisya para sa lahat…" kasama si State Prosecutor II Olivia Non na gagawin naming ang lahat upang maresolbahan ang kasong inilapit sa amin.

Para sa lahat ng biktima ng karahasan, krimen at mga legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285 o ’di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
* * *
E-mail address: [email protected]

BOY

CARAGDAG

JULIE ANN

KAPATID

NIYA

PULIS

ROLLY BOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with