^

PSN Opinyon

Ang tangi kong yaman

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Magbi-birthday uli bukas ang mutya kong binathala,

At marami ang babati pagka’t siya’y pambihira;

Sa panahon natin ngayon natatangi kanyang ganda,

Sa maraming suliranin lagi siyang nakatawa!

Ang araw ng pagsilang n’yanang sandaling matalastas.

Sinikap ko na sa hardin ay mamitas ng bulaklak;

Upang kahit iyon lamang sa kanya ay mailagak

Ang matapat na pagbati na sa puso nagbubuhat!

Pero bakit ang bulaklak nang akin nang pipitasin,

Ay ano ba’t sinansala ng sariling salamisim?

Paruparo at bubuyog ayaw akong palapitin

Pagka’t sila’y nanibugho sa matapat na layunin!

Nang mabigo sa bulaklak yaong dagat ang sinisid,

Upang sana kahit perlas yaong aking maisulit;

Kung ang perlas ay maganda ito’y aking tutuhugi’t

Sa leeg ng aking mahal ay kwintas kong isasabit!

Subali’t din nang ang perlas sa pusod ng karagatan,

Ay akin ng mahagilap ay bigla pang nabitiwan;

Pagka’t ako’y sinansala ng pating na nangaglisaw,

Pati pala mga isda’y kontra sa ‘king pag-aalay!

Kaya ngayo’y heto ako ang handog ko’y tula na lang

Na sarili at hindi ko — pinulot lang sa kung saan;

Ito’y handog na kasama yaring puso’t gunam-gunam,

Pagka’t ito lamang mutya ang tangi kong kayamanan!

KAYA

MAGBI

NANG

PAGKA

PARUPARO

PATI

PERO

SINIKAP

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with