^

PSN Opinyon

Maling hatol

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
ISA sa tatlong tsekeng inisyu ni Jimmy bilang bayad sa kanyang utang sa Equitable Card Network Inc. (ECN) ay ang Far East Bank and Trust Co. (FEBTC) Check No. 369403 na may petsang May 12, 1993 pabor sa ECN. Inisyu ni Jimmy ang tsekeng ito noong April 7, 1993 bilang tanda ng maganda niyang layunin at bilang pangako sa pagtupad ng kanyang obligasyon hanggang August 1993 habang inaayos pa ang pagkukuwenta ng kanyang utang sa ECN. Ayon kay Jimmy, ang tsekeng ito ay hindi para papalitan kundi isa lamang pagpapahayag ng kanyang katapatan sa pagbabayad ng kanyang obligasyon. Sa katunayan, binayaran niya ang ECN ng P100,000 noong April 17, 1993.

Samantala, nang tanggihan ng namamahala ng ECN ang proposal ni Jimmy, hindi na naibalik ng ECN ang tsekeng kanyang inisyu bagkus ay sinubukan pang papalitan ang tseke sa due date nito. Subalit, ang tseke ay tumalbog sa dahilang "account closed."

Nang hindi nabayaran ni Jimmy ang halaga ng tseke matapos ipaalam at habulin siya ng ECN, sinampahan siya ng ECN sa Municipal Trial Court (MTC) sa paglabag sa B.P. 22. Ayon sa Information na inihain ng piskal, inilarawan ang tsekeng nasasangkot na FEBTC Check No. 369403 payable to Equitable Banking Corporation na may petsang May 12, 1993. Samantala, sa paglilitis ng kaso, minarkahan ang nasabing tseke bilang Exhibit "B" na may halagang P100,000 payable to ECN. At dahil tumalbog ang tsekeng may markang Exhibit "B" na hindi nabayaran ni Jimmy, nahatulan si Jimmy ng MTC dahil lumabag siya sa B.P. 22. Inatasan din siya na bayaran ang ECN sa halagang P100,000. Tama ba ang hatol ng MTC laban kay Jimmy?

MALI.
Habang ang tinutukoy na tseke sa Information ay ang tsekeng payable to Equitable Banking Corporation, ang tsekeng tumalbog na payable to ECN naman ang minarkahan bilang Exhibit "B" sa korte. Ang pagkakaiba sa pagkakakilanlan sa tsekeng nasasangkot ay nagpawalang-bisa sa hatol na igina- wad kay Jimmy. Ang pagkakakilanlan sa tseke ay kumakatawan sa unang elemento ng paglabag sa B.P. 22 – na ang tsekeng inisyu ay para sa pagbabayad ng halaga o pagkakautang. At dahil sa pagkakaibang nabanggit, hindi maaaring isaalang-alang ang hatol kay Jimmy dahil labag ito sa karapatan niyang malaman ang uri ng reklamong inihain laban sa kanya (Dico vs. Court of Appeals, G.R. 141669, February 28, 2005, 452 SCRA 441).

AYON

CHECK NO

COURT OF APPEALS

ECN

EQUITABLE BANKING CORPORATION

EQUITABLE CARD NETWORK INC

FAR EAST BANK AND TRUST CO

JIMMY

TSEKENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with